^

Punto Mo

Babangon na imahe

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon sa ika-112 anibersaryo ng Police Service na ginanap sa Camp Crame kung saan si Pangulong Noynoy Aquino ang panauhing pandangal, matindi ang kautusan nito sa pamunuan ng PNP.

Ito ay ang tuldukan na ang ‘pulis patola’ at mga scalawags at iangat nang husto ang kalidad ng serbisyo sa mga mamamayan.

Mahigpit ang sinabi ni PNoy na dapat nang malinis ang hanay ng PNP sa mga scalawags na  siyang sumisira sa imahe ng kapulisan.

Kasabay naman nito ang pagbabangon hindi lamang sa imahe ng mga pulis kundi maging sa kanilang mga gamit sa pagtupad ng tungkulin.

Inaasahan ang pagdating ng  bulto-bulto  pang 9mm Glock Pistol sa mga susunod na buwan para maarmasan na ang lahat ng pulis.

Sa tala ng PNP, nasa 37,578 units na ng Glock 17 9mm pistol ang nai-deliver na mula sa kabuuang 74,879 units para sa PNP na pinondohan ng halos P1.2 bilyon.

Tiniyak din ni PNoy ang  P 9 bilyong pondo para sa capability enhancement program  ng PNP.  Bahagi nito ay ang P2.86 bilyon na naipalabas na ng Department of Budget and Management noong nakalipas na linggo.

Sa pondo ring ito, inaasahang mapapalakas ang police visibility sa mga lansangan dahil ilalabas na ang  halos lahat ng mga pulis sa kalye.

Dito kasi kukuha naman ng pondo para makapag-hire ng may 30,000  sibilyang empleyado  na siya nang gagawa ng admi­nistrative work na dating hinahawakan ng mga pulis.

Nakatakda ring bumili  ang PNP ng karagdagang 50,000 long rifle bukod pa sa 2,000 patrol cars na ipamamahagi sa mga him­pilan ng pulisya sa buong bansa. Maganda ang inaasa­hang modernization na ito ng PNP na sana nga ay magkaroon ng agad-agad na katuparan.

Malinis na ngang tuluyan sa mga scalawag sa hanay at mu­ling maibangon ang imahe ng kapulisan.

BAHAGI

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GLOCK PISTOL

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PNP

POLICE SERVICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with