^

Punto Mo

Ang isda na mahilig kumain ng yagbols!

- Arnel Medina - Pang-masa

BABALA sa mga lalaking swimmer o yung mahilig magbabad sa dagat, mag-ingat at baka matiyempuhan ng isdang pacu. Ang pacu ay kamag-anak ng piranha.

Ang pacu ay kadalasang makikita sa karagatan sa South America at Amazon Region. Subalit maski sa karagatan ng Sweden at Papua New Guinea ay mayroon na rin ng isdang ito.

Noong nakaraang linggo, isang mangingisda sa Oresund Sound ang nakahuli nang malaking pacu --- 21 centimeter. Hindi alam ng lalaki na pacu pala ang kanyang nahuli. Nang suriin ng mga awtoridad, nalaman na ang isdang iyon ang madalas kumagat at kumain ng testicles o yagbols ng swimmer­ o maski mangingisda. Marami na umano ang namatay dahil sa pagkagat ng pacu.

Nang bukahin ang bunganga ng pacu, nakita ang mga malalaki at pantay-pantay na ngipin na animo’y sa tao. Ang pagkahuli sa malaking pacu sa Sweden ay naghatid naman ng takot sa mga kalalakihang swimmer. Kaya ang advice ng Swedish authorities, huwag laging nakababad sa dagat ang mga lalaki. Maging alerto at baka mabiktima ng pacu na tinaguriang “ball cutter”.

Ayon sa fish expert na si Henrik Carl, dati ay hindi naman mapanganib ang pacu. Nangangagat ito pero hindi kinakain ang balls. Nakapagtataka na sa Papua New Guinea ay marami nang kalalakihan ang nagsabing kinagat at kinain ang kanilang testicles.

Sabi pa ni Henrik, ang kinakain daw talaga ng pacu ay nuts, fruit, at small fish, pero ngayon ay paborito nila ang human testicles. Iyon daw ang agad na tinatarget.

 

AMAZON REGION

AYON

HENRIK

HENRIK CARL

NANG

ORESUND SOUND

PACU

PAPUA NEW GUINEA

SOUTH AMERICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with