^

Punto Mo

Lapis, nakabaon sa ulo ng babae sa loob ng 55 taon!

- Arnel Medina - Pang-masa

LAGING dumadaing si Margaret Wegner, 59, ng Germany ng grabeng pananakit ng ulo at pagdurugo ng ilong. Hanggang sa magpakunsulta siya sa doctor. Idinaan siya sa serye ng eksaminasyon at CT-scan.

Hanggang makita ang dahilan niyon. Isang lapis na may habang tatlong pulgada ang nakabaon sa kanyang ulo!

Agad na isinagawa ang operasyon kay Wegner at nakuha ang lapis. Hindi makapaniwala ang doctor na natagalan ni Wegner ang matagal na panahon na may lapis na nakabaon sa ulo.

Ayon kay Wegner, aksidenteng natusok siya ng lapis sa ulo noong siya ay apat na taong gulang. At dahil umano masyado pa siyang bata noon, at wala pa ring mahusay na technology sa operasyon, ipinagpaliban ng doctor ang pag-opera. Baka raw lalong ma-damage ang ulo ni Wegner.

Hindi naman nabanggit kung bakit inabot nang matagal na panahon bago ipinaopera ang ulo ni Wegner.

Sabi ng doctor na umopera kay Wegner, hindi ito dapat nag-suffer nang matagal. Dapat noon pa naalis ang lapis sa kanyang ulo.

 

AYON

DAPAT

HANGGANG

IDINAAN

ISANG

LAPIS

MARGARET WEGNER

SABI

ULO

WEGNER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with