^

Punto Mo

Ang ‘Blind Man’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PINAGAGANDA ang bedroom ng mga madre. Tatlong dekadang walang renovation na nangyari. Pinalitan lahat mula sa higaan, kurtina hanggang sa kulay ng pintura ng dinding. Upang makatipid sa labor, ang mga madre na lang ang inutusan ng Mother Superior na magpintura sa kanilang mga kuwarto. Isa pa, ayaw nilang kumuha ng trabahador na lalaki na maglalabas-pasok sa kuwarto.

Ilang araw nang nagpipintura ng kanilang kuwarto ang mga madre kaya marami sa kanilang abito ay namantsahan ng pintura. Noong umagang iyon ay mahigpit na nagbilin ang Mother Superior­ na pagsikapang huwag mamantsahan ang kanilang abito dahil sa isang buwan pa darating ang bagong supply  na abito.

Sina  Ana at Rina na pawang nobisyada pa lang ay hindi pa natatanggal ang pagiging happy go lucky teen-agers. Sila ang magkasamang nagpipintura ng kanilang kuwarto. Para maka­seguro na hindi matutuluan ng pintura ang kanilang abito, naisipan nilang maghubad na lang habang nagpipintura. Ini-locked na lang nila ang pintuan. Maya-maya ay may kumatok.

“Sino ’yan?”

“Blind man.”

“Anong kailangan mo?”

Sumagot ang blind man pero hindi nila maintindihan dahil may nagbubutas ng dinding sa kabilang kuwarto gamit ang electric screwdriver.

“Buksan na natin ang pintuan, tutal, bulag naman” sabi ni Rina.

“Sige,” sang-ayon ni Ana.

Pagbukas ng pintuan ay napadilat nang pagkalaki-laki ang mga mata ng blind man. Iniwan na lang basta ang window blinds na ikakabit sa bintana nila at saka nagtatakbo palabas ng kumbento. Tinawag ng lalaki ang sarili niya na blind man dahil gumagawa siya ng window blinds at taga-kabit din nito. Hindi siya bulag.

vuukle comment

ANONG

BUKSAN

ILANG

INI

INIWAN

ISA

KANILANG

MOTHER SUPERIOR

RINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with