MAGKAIBIGAN at magkaklase sa elementary ang daÂlawang bata na sina Jetro at Alyza. Minsan dinala ni Jetro sa school ang ilan sa mga koleksiyon niya ng holen na may iba’t ibang kulay.
Si Alyza naman noong araw na iyon ay may baong kendi na may iba’t ibang flavor dahil kakarating lang ng kanyang amang musician galing sa Japan. Matakaw sa kendi si Jetro kaya nakipagkasundo siya kay Alyza na ibibigay niya dito ang kanyang 20 holen kapalit ng kanyang 20 kendi. Bago umuwi ng kanya-kanyang bahay ay nagpalitan sila ng kendi at holen.
Sa bahay, sinimulang kainin ni Jetro ang mga kendi. PalibÂhasa ay may iba’t ibang flavors, hindi niya nagustuhan ang lasa ng ibang kinain niya. Nakadama siya ng pagkainis—pinili siguro ni Alyza ang flavor na hindi masarap at iyon ang ibiÂnigay sa kanya. Ang holen kasi na ibinigay niya ay ’yung may kaÂunting basag at mga pangit ang kulay. Sinadya niya ang mandaya dahil ayaw niyang mabawasan ang mga holen niya na may magagandang kulay.
Sa bahay ni Alyza, tuwang-tuwa niyang nilalaro ang mga holen na ibinigay ni Jetro. Napansin niya may basag ang ilang piraso ng holen ngunit binale-wala niya iyon. Naisip niyang hindi siguro iyon napansin ni Jetro. Panatag ang kanyang kalooban dahil ang alam niya ay pulos masasarap ang kendi na ibinigay niya. Kung hindi man nasarapan si Jetro sa ibang kendi, problema na ’yun ng kanyang panlasa.
Moral of the story: Ang mga taong mapagduda ay ’yung hindi marunong magbigay sa kapwa ng kanilang 100 porÂsiyentong katapatan.