‘Kinawawang purok leader’

LUMANG tugtugin na ang mga insidente ng pang-aabuso ng kapangyarihan ng mga opisyal ng gobyerno, mapa-nasyunal man o lokal! Nananamantala sa kanilang titulo sa paniniwalang sila ang hari na dapat katakutan sa kanilang nasasakupan.

Hindi na bago sa BITAG ang ganitong mga reklamo at sumbong. Noon pa man, marami nang lumapit sa aking tanggapan hinggil sa mga pang-aabuso partikular ng mga namumuno sa kanilang barangay!

Si Lorna “Onay” Benditahan, isang purok leader sa San Jose Del Monte Bulacan, ay lumapit sa BITAG matapos umanong pag-initan at pagkaisahan ng kanilang kapitan.

Ang siste, sa halip kasi na umawat at mamagitan sa komosyon ng nagkakagulong grupo ng mga ginang, tumulong pa umano si Kapitan Mario Batuigas para saktan ang purok leader at hampasin ng bato sa balakang!

Hindi na rin nakapalag pa ang ginang nang agad siyang pinosasan ng kagawad  na nakabuntot sa kaniyang polpol na kapitan para dalhin sa presinto ng pulisya!

Alamin ang dahilan kung bakit napag-initan ang pobreng purok leader at kung ano ang depensa ng kolokoy na si Kap sa kaniyang walang ka-torya-toryang aksyon!

Naidokumento ng BITAG ang kasong ito taong 2010 pero ibinabalik ulit namin sa telebisyon para ipabatid sa publiko na mayroon silang pupuntahan at sumbungan sa ganitong uri ng reklamo!

 Panoorin ang buong detalye sa BITAG Channel bukas alas 6:00 ng gabi. Mag-log in sa www.bitagtheoriginal.com, ang inyong libreng telebisyon sa internet!

*  *  *

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahalasitulfo@hotmail.com. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.  

 

Show comments