APAT na kalansay ang nahukay sa isang libingan sa southern Poland at pinaniniwalaang ang mga ito ay sa bampira dahil sa kakaibang pamamaraan nang paglilibing.
Ayon sa researchers, natagpuan ang mga kalansay sa libingan sa isang maliit na bayan ng Gliwice. Pinaniniwalaang noon pang 16th century ang libingan.
Nang makita ang mga kalansay, kakaiba ang pagkakaayos ng mga ito at ang lubhang nakapagtataka, tinanggal ang mga ulo at saka inilagay sa pagitan ng kanilang legs. Ang ganitong practice ay ginagawa lamang sa mga pinaghihinalaang bampira. Umano’y pinuputol ang ulo ng pinaghihinalaang bampira at saka inilalagay sa pagitan ng mga binti para hindi na muling makabangon o mabuhay ang bampira. Matagal na itong tradisyon na ginagawa sa rehiyon na iyon ng Poland.
Kamakailan, isang libiÂngan din ng mga umano’y bampira ang natagpuan sa Bulgaria. Dalawang kalansay ang natagpuan at ang mga ito ay may nakasaksak na matulis na bakal sa dibdib. Umano’y sinasaksak ng bakal ang mga bampira sa dibdib para mamatay, isang tradisyon noon pang 14th century.
Napag-alaman na may 100 libingan ng mga bampira ang nahukay o natagpuan sa eastern European countries sa nakalipas na mga taon.