^

Punto Mo

Libingan ng mga bampira, natagpuan

- Arnel Medina - Pang-masa

APAT na kalansay ang nahukay sa isang libingan sa southern Poland at pinaniniwalaang ang mga ito ay sa bampira dahil sa kakaibang pamamaraan nang paglilibing.

Ayon sa researchers, natagpuan ang mga kalansay sa libingan sa isang maliit na bayan ng Gliwice. Pinaniniwalaang noon pang 16th century ang libingan.

Nang makita ang mga kalansay, kakaiba ang pagkakaayos ng mga ito at ang lubhang nakapagtataka, tinanggal ang mga ulo at saka inilagay sa pagitan ng kanilang legs. Ang ganitong practice ay ginagawa lamang sa mga pinaghihinalaang bampira. Umano’y pinuputol ang ulo ng pinaghihinalaang bampira at saka inilalagay sa pagitan ng mga binti para hindi na muling makabangon o mabuhay ang bampira. Matagal na itong tradisyon na ginagawa sa rehiyon na iyon ng Poland.

Kamakailan, isang libi­ngan din ng mga umano’y bampira ang natagpuan sa Bulgaria. Dalawang kalansay ang natagpuan at ang mga ito ay may nakasaksak na matulis na bakal sa dibdib. Umano’y sinasaksak ng bakal ang mga bampira sa dibdib para mamatay, isang tradisyon noon pang 14th century.

Napag-alaman na may 100 libingan ng mga bampira ang nahukay o natagpuan sa eastern European countries sa nakalipas na mga taon.

 

AYON

BAMPIRA

DALAWANG

GLIWICE

KAMAKAILAN

MATAGAL

NANG

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with