Lumikha na naman ng kontrobersiya ang pagkamatay ng dalawang Ozamis robbery gang lider na sina Ricky Cadavero at Wilfredo “Kulot†Panogalinga Jr. noong Lunes ng gabi sa umano’y isang bigong rescue sa San Pedro, Laguna.
Matapos ang sinisilip na umano’y ‘rub-out’ sa naganap na rescue sa kidnap victim sa Davao kung saan napatay ang tatlo sa mga kidnappers, eto na naman mukhang ang PNP na naman ang sinasapol sa insidenteng shootout.
Mukhang marami na namang paliwanagan na isasagawa rito ng PNP dahil sa mga nagsabing hindi kapanipaniwala ang sinasabing bigong rescue na umano’y isasagawa ng mga tauhan ng Cadavero kaya nagsimula ang pagpapalitan ng putok.
Bago ang naganap na pagkapatay sa dalawang lider ng kilabot na robbery group, hindi nga ba’t iprinisinta pa ang dalawa sa Camp Crame nina DILG Secretary Mar Roxas at PNP Chief Director General Alan Purisima.
Ang grupo kasi ni Cadavero ang binayaran umano ng tatlong kilabot na drug dealer na sina Li Lan Yan, alyas Jackson Dy; misis nitong si Wang Li Na at Li Tian Hua na itinakas ng grupo matapos na harangin ang convoy ng provincial jail sa Cavite noong nakalipas na Pebrero.
Aba’y hindi birong P50 milyon umano ang ibinayad sa grupo nito ng naturang mga drug lord.
Sangkot ang grupo ni Cadavero sa malalaking holdapan at nakawang naganap sa Metro Manila at karatig lalawigan kabilang ang sa Alabang Town Center sa Muntinlupa noong 2011, habang ang grupo naman ni Panigalinga sa paghoholdap at pagpaslang sa Amerikanong si Robert Armstrong sa 7-11 conÂvenience store sa Malate noong SetÂyembre 2012.
Siguradong marami na namang pagpapalitan nang paliwanag ang mangyayari dito, at hindi lang yan, eto pa ang isang sigurado marami rin ang sasakay sa isyung ito. Naku, wait lang kayo!