^

Punto Mo

Puro laway lang si Erap?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MUKHANG may hangover pa si Manila Mayor Erap Estrada ng magsisigaw siya na “the days of kotong cops are numbered,” at ayaw niya ng pasugalan sa kanyang siyudad. Kasi nga mga kosa, maanghang ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Erap subalit hindi naman nangyayari ang mga kagustuhan niya. Ang ibig kong sabihin, iba ang sinasabi ni Erap at iba rin ang nangyayari sa kalye. Get’s n’yo mga kosa? Kaya hanggang sa ngayon, nandiyan pa rin sa Manila Police District (MPD) ang mga “kotong” cops at pati pasugalan sa Maynila ay full blast pa rin ang operation. Puro laway lang kaya ang mga pananakot ni Erap?

Maaaring may nagawa ring matino si Erap sa pangalawang linggo niya sa puwesto subalit kung ako ang maggi-grade sa kanya, 4 ang liderato niya sa scale na mula 1 hanggang 10. Mataas na ‘yan ha!

Halos 432 pulis ang mare-relieve sa MPD dahil sa kautusan ng hepe nito na si Chief Supt. Isagani “Boy Tuwalya” Genabe. Aba flag raising lang ang kasalanan ma-relieve na? Pero ang mga “kotong” cops nandiyan pa naman sa MPD at pinagtatawanan lang nila sina Erap at Genabe. Ang ilan sa mga “kotong” cops Mayor Erap at Gen. Genabe Sir’s ay sina Insp. Arnold Sandoval, PO3 Mike Pornillos, SPO4 Gener “Paknoy” Presnedi, Von Cruz, Caloy Chan, Fernando “Andoy” Diamzon at alyas Fernan. Tulad ng nabanggit ko na tong collectors ng mga station, division at unit ng MPD ng nakaraang kolum ko, aba nandiyan pa silang lahat sa MPD at gagamitin din kaya sila ng mga tauhan ni Erap? Si Sandoval ay bayaw ng anak ni dating Mayor Alfredo Lim na si Cynthia, at meron din siyang mga butas ng horseracing tulad ni Presnedi. Sina Sandoval, Presnedi, at Cruz ay naka-umbrella ang mga butas ni Delfin “Daboy” Pasya. Si Chan ang nasa likod ng operation ng “kotong” sa Malate at Ermita habang si Pornillos naman ay kamag-anak ng kaibigan kong si Caloy Baltazar, na bata rin ni Lim. Sina Diamzon at Fernan ang kolektor

 ng MPD at maging ng NCRPO noong panahon ni Dir. Dindo Espina. He-he-he! May birtud ‘ata sina Diamzon at Fernan kapag gagamitin din sila ng bagong upong NCRPO director na si Chief Supt. Marcelo Garbo, di ba mga kosa?

Kung ayaw ni Erap ng pasugalan, bakit marami ang nagbi-bidding para maging tong collector ng City Hall? At habang nagtatalsikan ang laway ni Erap na “no take” policy siya sa pasugalan, tuloy din naman ang video karera operation ng mag-asawang Romy at Gina Gutierrez, at bookies nina Lando Simbulan, Pasya, Erlan Samson, Jeff de Castro, at iba pa. Si Romy mga kosa ay kumpare ni Lim samantalang si De Castro ay kapatid ng talunang kandidato para sa konsehal sa tiket ni Lim na si Guia de Castro-Gomez. Tungkol naman sa bidding, siyempre kasali sina Diamzon at Fernan at umugong din ang pangalan ng retired cop na si Paul Tucay. He-he-he! Kanya-kanyang raket lang ‘yan, di ba mga kosa? Sana tuparin naman ni Erap ang mga pangako niya para lalong humanga ang sambayanan sa kanya, hindi lang sa likod ng puting tabing, kundi maging sa tunay na buhay. Abangan!

 

vuukle comment

ARNOLD SANDOVAL

BOY TUWALYA

CALOY BALTAZAR

CHIEF SUPT

DIAMZON

ERAP

FERNAN

PRESNEDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with