^

Punto Mo

‘Puno ng tagumpay’

- Tony Calvento - Pang-masa

EMOSYONG hindi maipaliwanag at kulang ang mga salita upang ito’y maihayag.   

Ganito ang naramdaman ni PAGCOR Chairman at CEO Cristino Naguiat Jr. ng mahirang bilang isa sa sampung “Outstanding Manilan 2013” awardees noong nakaraang selebrasyon ng ika-442nd “Araw ng Maynila” nung ika-24 ng Hunyo. Pinarangalan si Chr. Naguiat dahil sa mga makabuluhan at malawakang ‘corporate social responsibility (CSR) projects’ na inilunsad ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Kabilang dito ang ‘school building project’ na “Matuwid na Daan sa Silid-Aralan” sa mga public schools sa buong bansa na sa kasalukuyan ay may nakalaang tatlong (3) bilyong pisong pondo. Mahigit na 201 na mga bagong silid-aralan ang naipatayo ng ahensya at ng Department of Education (DepEd) bago pa magsimula ang pasukan noong Hunyo. Ito ay binuo sa 42 na mga pampublikong paaralan na kung saan mahigit 11,000 na mga mag-aaral ang makikinabang.

 Mula sa mga probinsya ng Ilocos, Pangasinan, Isabela, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Cavite, Rizal, Cebu, Rehiyon ng Bicol, Romblon, Negros Oriental at Occidental, Cebu, Iloilo, Zamboanga, at Cagayan de Oro ang ilan sa mga napatayuan ng ahensya ng mga bagong gusali.  

Bukod dito nagbigay din ang PAGCOR ng 100 milyong pisong pondo para sa “P-noy Bayanihan project” kung saan ang mga nakumpiskang troso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula sa mga ‘illegal loggers’ ay ginagawang school desks para sa mga pampublikong paaralan.

Ang PAGCOR ay mayroon ding ‘feeding program’ kung saan makikinabang ang mga mag-aaral na mal­nourished sa mga iba’t ibang pa­aralan sa bansa.

Ayon kay Chr. Naguiat, isang malaking karangalan na siya ay mapabilang sa “Outstanding Manilan 2013 awardees” at maging kahanay ng mga natatanging indibidwal na nakapagbigay ng malaking kontribusyon sa pag-unlad sa lungsod ng Maynila at sa buong bansa.

Idinagdag pa niya na pa­tuloy na magiging aktibo ang PAGCOR sa mga CSR projects nito upang mas marami pa ang kanilang matulungan.

***

Sa iba pang balita, nakapili na ang PAGCOR ng labing dalawang (12) grand winners mula sa 48 grand finalists para sa kauna-unahan nitong ‘Photo­graphy Contest’ na naganap nung ika-5 ng Hulyo,­ 2013 sa Airport Casino Filipino sa Parañaque City.

Ilan sa mga naging hurado sa patimpalak ay mga respe­tado at award-winning na photo­graphers at design di­rectors ng ating bansa.

Pinangunahan ni Chr. Naguiat ang panel at sinabing, “ang mga litratong napabilang sa 48 grand fi­nalist ay nagpapakita ng ganda, kultura at tradisyon ng ating bansa. Ang mga Pilipino ang pinakamalikhaing litratista sa buong mundo. Ang kompitisyong ito ang nagpapatunay sa kanilang kasanayan sa pagkuha.”

Sa pamamagitan ng slogan ng Department of Tourism (DOT) na ginamit bilang tema ng patimpalak na “It’s more fun in the Philippines” ang humikayat sa mga taong mahilig kumuha ng mga litrato na ipakita ang mga natatangi at mga hindi pa nadidiskubreng kamangha-manghang kalikasan ng ating bansa.

Ang ilan sa mga hurado ay sina Wig Tysmans na isang Premier Photographer, Paulo Alcazaren na kilalang landscape architecture sa ating bansa at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Gawad Alab ng Haraya­ Awardee,  premier fashion photographer Raymund Isaac at ang Editor-in-Chief at Publisher ng Philippine Airlines’ Mabuhay magazine na si Simeon Ventura Jr..

Lahat ng 48 grand finalist na mga litrato sa kumpetisyon ay kasalukuyang naka-exhibit sa Airport Casino Filipino. Ang pormal na pag-anunsyo sa mga nagwagi ay sa ika-16 ng Hulyo taong 2013.

Magkakaroon ng 12 grand winners (3 sa bawat kate­gorya – People, Nature, Structures/Historical Landmarks and Customs and Traditions) na tatanggap ng P75,000 pesos bawat isa.

Ang mga magwawaging entry ay gagamitin sa kalendaryo ng PAGCOR sa taong 2014. Ang 36 na hindi mapipili ay makatatanggap din ng consolation prize na P20,000 bawat isa.

Bukod sa mga pangu­nahing premyo, ang PAGCOR ay magbibigay ng ‘special award’ para sa “Most Liked” na litrato at “Employee’s Choice” na pipiliin ng mga empleyado ng ahensya.

Para sa iba pang detalye ng kumpetisyon hanapin lamang ang opis­yal na website ng ahensya na www.pagcor.ph  at facebook page na facebook.com/pagcor.ph.

 (KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal, ang aming numero 09067578527/09213784392/09213263166 / 09198972854. Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes.

AIRPORT CASINO FILIPINO

BANSA

NAGUIAT

OUTSTANDING MANILAN

PAGCOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with