MULING nananawagan ang BITAG Investigative Team sa mga may diabetes sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Sila ‘yung mga pasyente na inirekomenda na ng kanilang mga doktor na sumailalim sa amputation procedure o pagpapaputol ng kanilang mga binti o paa.
Pero dahil sa desperasyon, sumusubok at naghahanap ng alternatibong solusyon kontra-putol na sinasabi ng mga dalubhasang doktor.
Nitong nakaraang Biyernes, ipinalabas sa BITAG Live! ang dokumentasyon sa isang pasyente na sumailalim sa 90-day case study.
Dahil sa nakitang mga positibong resulta, marami ang mga nagti-text sa BITAG textline at marami ang mga interesado at gustong sumubok sa herbal food supplement na ginamit sa dokumentasyon.
Bukod dito, marami ring manufacturer ng iba’t ibang food supplements at health products ang nagka-interes at gustong magsagawa rin ng sarili nilang case study.
Tulad ng mga diyabetikong pasyente, gusto rin nilang mai-dokumento ng BITAG Investigative Team ang kanilang mga produkto na i-eendorso nila sa mga espisipiko nilang konsyumer o pasyente.
Nililinaw ng BITAG, tanging dokumentasyon lamang ang bahagi namin sa on-going case study na ito.
Maglilibot ang BITAG Investigative Team sa Visayas at Mindanao partikular sa Metro Cebu at Metro Davao upang mag-dokumento ng mga diabetic patient na lalahok sa unofficial case study ng BITAG Live!
• • • • • •
Mapapanood at mapapakinggan tuwing Biyernes sa Bitag Live sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo5 ang mga dayabetikong pasyente na sumailalim sa 90-day case study ng BITAG Live!
Para sa mga karagdagang impormasyon, mag-log in sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com.