Tips sa paglilista ng ‘‘contacts’’ sa cell phone
ISANG babae ang na-snatch ang bag na naglalaman ng cell phone, credit card, ATM card, wallet. Pagkaraan ng 20 minutes ay tinawagan niya ang kanyang asawa mula sa pay phone upang ikuwento ang nangyari. Ngunit nagulat si Misis sa isinagot ng kanyang Mister: “Natanggap ko ang text mo kanina na nagtaÂtanong kung ano ang PIN ng ATM. Thinking that it was you kaya ibinigay ko.â€
Tumawag kaagad si Misis sa banko ngunit huli na ang lahat, nilimas na ng snatcher ang pera nila sa ATM. Ginamit ng snatcher ang cell phone ni Misis para i-text si Mister. Natukoy nito ang contact number ng mister dahil ang nakasulat sa listahan ng contacts ay “hubbyâ€.
Kaya tandaan lang ang mga sumusunod:
Huwag gagamit ng mga salitang magiging clue kung kaano-ano mo ang nasa contact list kagaya ng Honey, Hubby, Sweetheart, Dad, Mom, etc.
Huwag din gagamit ng mga salitang Home, Office, Dorm.
Kung makakatanggap ng text o tawag na nagtatanong ng sensitive information, gayahin mo ang ginagawa ng banko kapag may itinatanong ka sa kanila—Halimbawa ay nagpapanggap na asawa mo ang caller/texter: I-verify muna ang kanilang full name, birthday, maiden name ng kanyang ina, last school na pinasukan. Dito na lang, mahuhuli mo siya.
Mag-ingat po tayo at maging mapagbantay.