^

Punto Mo

Lalaking bigo sa paghahanap sa ama, nag-suicide pero nakaligtas!

- Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING kabiguan sa buhay si Hanns Jones, 36, ng Mineral Wells, Texas. Ilan dito ay ang pagbi-break nila ng kanyang girlfriend kung saan ay mayroon siyang anak na lalaki (18-buwang sanggol). Bigo rin siya sa pagiging imbentor sapagkat ang inimbento niyang Sock Locker (isang device kung saan ang mga medyas ay sama-sama kapag nilabhan) ay walang magkainteres. Bigo rin siya nang subukang mag-inlist sa Army. Na-bankrupt din siya na nagdulot ng grabeng depression. Subalit ang pinaka-mabigat na kabiguan para sa kanya ay ang kabiguang makita ang ama. Mula pagkabata, hinanap na niya ang kanyang ama pero hindi makita. Tanging ang ina niya ang mag-isang nagpalaki sa kanya.

Hanggang sa isang maitim na balak ang naisip niya. Pagpapakamatay. Nagtungo siya sa Sunshine Skyway Bridge na may taas na 200 feet at tumalon. Bumagsak siya sa maalon at malalim na dagat ng Tampa Bay. Pero bago siya nakarating sa ilalim, naisip niya na mali ang kanyang ginawa. Kasunod ay nag-flashed ang larawan ng kanyang anak na si Braner. Sa sandaling iyon, naisip niyang mahalaga ang buhay. Gusto niyang mabuhay.

Sa kabila na bali ang kanyang mga tadyang, bali ang leeg, nag-collapsed ang baga at pumutok ang kanyang spleen, nagawa niyang lumangoy. Naigalaw niya ang dalawang kamay. Kumapit sa mga bakal na pundasyon ng tulay. Hanggang sa dumating ang rescuers at nailigtas siya at dinala sa ospital.

Isang babae ang nakabasa sa nangyari kay Hanns at ito ang gumawa ng paraan para makita ang nawawala nitong ama.

Anim na araw ang nakalipas, nakita ang ama ni Hanns. Nagkita ang mag-ama sa ospital.

 

 

BIGO

BRANER

HANGGANG

HANNS

HANNS JONES

MINERAL WELLS

SIYA

SOCK LOCKER

SUNSHINE SKYWAY BRIDGE

TAMPA BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with