Masaya’t malungkot

Ang buhay ng tao laging iba-iba

May mga mayaman na lubhang kawawa;

May mahirap namang buhay maligaya

Kalahi’t sinasabing sila’y walang pera!

 

Maraming salapi itong mayayaman

Nguni’t anak nila puro tampalasan;

Itong mga dukha na sa dusa’y gapang

Mga anak nila’y pag-asa ng bayan!

 

Palibhasa’y dukha at kapos sa pera

Sanay naman sila sa buhay na wala;

May mga mayaman na laging sagana

Iba ang ugali’t ang gawa’y masama!

 

Itong mga dukha na kapos sa yaman

Kahi’t nagtitiis masasaya naman;

Mayamang mapera -- sugal ang libangan

Hindi nananalo pamilya’y luhaan!

Show comments