Rags-to-Riches Stories
Leonardo Vecchio, ang Bilyonaryong Putol
Si Leonardo del Vecchio ay anak ng mag-asawang mahirap mula sa Milan, Italy. Noong 5 buwan pa lang siya ay biglang namatay ang kanyang ama kaya’t nagpasya ang kanyang ina na dalhin siya sa bahay ampunan.
Lumaki siya sa ampunan na walang nagkagustong umampon sa kanya. Kaya nang inaakala niyang may matibay na siyang prinsipyo upang mabuhay mag-isa, naisipan niyang lisanin ang kinalakihang bahay ampunan. Napapunta siya sa Belluno, isang bayan sa Veneto, Italy. Ito ang bayang maraming pagawaan ng salamin sa mata. Naging factory worker siya na gumagawa ng eyeglass frames. Minsan ay naaksidente siya at naputulan ng hintuturo. Sa edad na 23, nagtayo siya ng molding shop kung saan gumagawa sila ng eyeglass frames.
Ang maliit na eyeglass frame shop ay lumaki hanggang naging Luxottica Company na itinuturing ngayon na “world’s largest maker of sunglasses and prescription eyeware.†Ang Luxottica ang gumagawa ng Ray-Ban at Oakley. Ngayon ay mayroon silang 6,000 retail shops kagaya ng Sunglass Hut at LensCrafters.
Ayon sa Forbes magazine, siya ang ikalawang pinakama-yaman sa Italy (sumunod kay Michele Ferrero) na may net worth na 11 US billion dollars. Siya ang 71st sa listahan ng mga mayayaman sa buong mundo, as of March 2011.
(Itutuloy)
- Latest