^

Punto Mo

Mga kamangha-manghang pangyayari habang nasa honeymoon

- Arnel Medina - Pang-masa

LALAKI, NAKIPAGTAWARAN SA PROSTITUTE HABANG NASA HONEYMOON, DINAKIP – Hindi maipaliwanag ni Mohammed Ahmed, 21, ng Illinois, kung bakit nais pa niyang makipagtalik sa isang prostitute gayung nagha-honeymoon na silang mag-asawa.

Kakakasal lang ni Ahmed at sa Orlando, Florida nila naisipang idaos­ ang kanilang honeymoon. Pero habang nasa honeymoon, sinagot ni Ahmed ang isang advertisement na nag-aalok ng babaing bayaran o prostitute. Nang magkaayos, pinuntahan ni Ahmed ang lugar at nakipagtransaksiyon sa prostitute.

Ang hindi alam ni Ahmed, isa pang undercover detective na nagkunwaring prostitute ang kausap niya. Dinakip siya at ikinulong.

Nag-alala naman ang kanyang asawa nang hindi umuwi si Ahmed. Inireport niya ang pagkawala ng asawa. Hindi niya alam na nasa kustodiya ng pulis ang asawa dahil sa pakikipag-deal sa prostitute.

 

 

LALAKING MAGHA-HONEYMOON INARESTO DAHIL SA PAGNANAKAW NG SIGARILYO --- Masayang-masaya si Anthony Barns, 24, at ang kanyang asawa ng araw na iyon. Kakakasal lang nila at nasa Birmingham airport patungo sa kanilang honeymoon. Pero nang sasakay na sila ng eroplano, pinigilan sila ng awtoridad. Inaresto si Anthony. Mayroon pala itong outstanding warrant dahil sa pagnanakaw ng 6,000 sigarilyo na nagkakalaga ng £2,500. Nagtatrabaho pa si Anthony sa Asda sa Chelmsley Wood, England nang mangyari ang kaso. Inamin ni Anthony na ninakaw niya ang mga sigarilyo para masustentuhan ang kanyang bisyong paninigarilyo.

 

vuukle comment

AHMED

ANTHONY BARNS

ASDA

CHELMSLEY WOOD

DINAKIP

HONEYMOON

KAKAKASAL

MOHAMMED AHMED

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with