MARAMING pinahanga ang 91-anyos na Sy Perlis ng Arizona. Sa kabila ng kanyang edad at pagkakaroon ng chronic arthritis at naka-pacemaker, nakaya niyang buhatin ang 85 kilograms sa benchpressing. Sinira niya ang world record para sa mga matatanda (90-anyos pataas).
Ang nakapagtataka kay Perlis, nagsimula lang siyang magbuhat noong siya ay 60-anyos. Noong 2010, sumali siya sa world competition para sa 80-anyos pataas at nanalo siya. Sumunod na taon, sumali uli siya at nanalo na naman. Ngayong nag-90 anyos, sumali muli siya at na-break niya ang world record.
Dating veteran ng World War II si Perlis. Ayon sa kanya, sinubukan niyang mag-weightlifting para ma-test ang sarili. Para sa kanya, mas madali itong gawin kumpara sa ibang sports na kailangan pang tumakbo o kumilos nang mabilis. Umano’y sa pagbubuhat siya nakadaÂrama ng saÂtisfaction. MaÂganda ang kanyang pakiramdam. Tamang-tama umano sa kanya ang weightlifting.
Sabi ng president ng World Association of Benchers and Deadlifters na si Gus Rethwisch, isang inspirasyon si Perlis. Marami na umano siyang nakilaÂlang lifters na ang edad ay nasa mid-80s o late 80s pero kakaiba si Perlis. Nakaka-inspired siya. Matiyaga sa training (limang araw sa isang linggo) at hindi kailanman nagsasawa.