EDITORYAL - Gaano kaligtas ang mga barko?
HINDI pa natatapos ang rescue operations sa M/V Lady of Carmel na lumubog sa karagatang malapit sa Burias Island, Masbate noong nakaraang Biyernes, meron na namang isang barko na muntik-muntikanang lumubog noong Sabado. Mabuti na lang at malapit na sa port ang barko kaya ligtas na naibaba ang mga pasahero. Ayon sa report, mayroong walong butas ang barko at anumang sandali ay lulubog ito dahil papasukin ng tubig.
Takot na takot ang mga pasahero ng M/V St. Gregory the Great nang malaman na walo pala ang butas ng kanilang sinakyang barko. Nanggaling sa Maynila ang barko at patungo sa Cagayan de Oro City. Bago ang Cagayan de Oro, mag-i-stopovers ito sa Bacolod at sa Iloilo City. Pero isang oras umano bago dumaong sa Port of Iloilo, nakarinig nang malakas na ingay ang mga pasahero at nayanig ito. Hanggang sa pumasok ang tubig sa engine room. Nagpanic na umano ang mga pasahero. Nang makadaong sa Iloilo port, natuklasan na walo ang butas ng barko. Umano’y tinamaan ng barko ang coral reefs na naging daan para mabutas at pumasok ang tubig. Ligtas na naibaba ang 364 pasahero.
Kung nagkataon na nasa laot pa ang M/V St. Gregory malamang danasin din nito ang nangyari sa M/V Lady of Carmel. Dalawa ang namatay sa paglubog ng Carmel at pito pa ang hinahanap. Umano’y tumagilid ang barko nang maalis ang tali ng isang passenger bus na karga nito. Nawala ang balanse.
Sa nangyari sa St. Gregory na nabutas, makikita kung gaano kadelikado ang mga bumibiyaheng barko. Sa kaunting bangga sa bato ay nabubutas. IsinasaÂilalim ba sa regular maintenance ang mga barko o hindi na? Yaot na lang nang yaot at bahala na kung abutin ng paglubog sa laot. May mga bihasa bang crew ang mga barkong pamasahero na agad makakadalo sa mga pasahero sakali’t lumubog? O bahala na lang na magkagulo at sila pa ang nauuna sa pagtalon sa barko para mailigtas ang sarili?
Ano ang ginagawa ng MARINA at DOTC sa gaÂnitong sitwasyon?
- Latest