LUMINGON si Tanggol sa pagtawag ni Jinky.
Hindi makapaniwala si Jinky sa nakita. PinaglalaÂruan ba siya ng kanyang mga mata. Kilalang-kilala niya ang nakaupo sa kama.
‘‘Dick? Ikaw nga ba Dick?’’
“Oo, Jinky. Ako si Dick alyas Tanggol.’’
Sapat iyon para mabilis na lumapit si Jinky kay Dick at hinalikan ito sa labi at pisngi. Niyakap ito nang mahigpit. Sa sobrang pagkaÂsabik niya rito ay nakaliÂmutan niyang may sugat nga pala ito sa tagiliran.
‘‘Ay sorry Tanggol este Dick…’’
“Okey lang Jinky. Hindi naman masakit ang sugat. Puwede ulitin mo ang ginawa mo, please…â€
Biglang hinalikan uli ni Jinky sa labi sa Dick. Matagal silang naghalikan. Halos ayaw na nilang maghiwalay. SobÂrang pagkasabik ang nadama nila sa isa’t isa. Ang sarap ng kanilang halikan.
Naawat lamang ang mainit at naglalagablab nilang paghaÂhalikan nang pumasok ang nurse para kunan ng blood pressure si Dick.
Nang makalabas ang nurse ay muli silang naghalikan. Walang pagkasawa ang daÂlawa.
Nang maghiwalay ay hinabol nila pareho ang hiÂninga.
“Mahal na mahal kita Jinky.’’
“Mahal din kita Dick.’’
“Sorry kung kinailangan ko pang magbalatkayo. Iyon lang ang naisip kong paraan para sorpresahin ka.’’
“Hindi nga ako makapaÂniwala, Dick. Paano mo naisip yun?’’
“Gusto ko maging memorable ang muli nating pagkiÂkita. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang may mangyayari pa palang hindi inaasahan.’’
“Pero salamat sa ginawa mong pagbabalatkayo dahil nailigtas mo ako sa masamang tao.’’
‘‘HumaÂnga naman ako sa tapang mo, Jinky. Buo rin ang loob mo. Kung ibang babae ang nakaranas ng pinagÂdaanan mo, baka nag-backout na.’’
“Pinatapang ako ng mga nangyari sa akin, Dick. KaÂilangan palang makaranas nang mga matinding pagÂsubok para ako maging maÂtatag sa buhay. Marami akong natutuhan Dick.’’
“Kung namatay kaya ako sa bombang sumabog sa kamalig, iiyak ka, Jinky.’’
“Siyempre naman, ano?’’
“Talaga, iiyak ka?’’
“Oo.’’
“Pahalik nga uli.’’
Inilapit ni Jinky ang bibig kay Dick. Naglapat uli ang kanilang mga labi.
(Itutuloy)