Mga Kamangha-Manghang Sanggol Na Nakaligtas Sa Kamatayan! (2)

SANGGOL, ITINAPON NG INA MULA 8TH FLOOR, NAKALIGTAS NANG BUMAGSAK SA BASURAHAN —  Himalang nakaligtas ang isang bagong silang na sanggol makaraang itapon ng kanyang ina mula sa bintana ng isang gusali sa New York. Ang ina ng sanggol ay nakilalang si Laquasia Wright, 18. Ayon sa report, kasamang naninirahan ni Laquasia ang kanyang ina at kapatid sa building. Umano’y lihim ang pagbubuntis ni Laquasia. Hindi naman nabatid kung bakit nagawa niyang ihagis ang sariling sanggol. May nagsabing natuliro na si Laquasia dahil sa problema.

Nakaligtas ang sanggol makaraang bumagsak sa bunton ng basura na nasa tapat ng bintana. Ayon sa maintenance worker, nakarinig siya nang pag-iyak mula sa bunton ng basura at nang kanyang tingnan, nakita niya ang sanggol sa ibabaw ng basura. Agad niyang dinala ang sanggol sa Brooklyn Hospital. Nasa mabuting kalagayan na ang sanggol. Hindi naman sinabi kung anong kaso ang isasampa sa ina ng sanggol.

Show comments