NEXT time na naghahanap ka ng honest answer, i-text mo ang iyong katanungan sa taong nais mong hingan ng opinyon. Ito ang natuklasan sa pag-aaral na ginawa ng University of Michigan Institute for Social Research—Ang mga tao ay mas honest sa pagbibigay ng kanilang opinyon kung ite-text sa kanila ang katanungan. At hindi lang honest answer ang iyong makukuha, may tendency pa sila na magbigay ng mas detalyadong sagot.
Halimbawa, kinunan ng picture ni Misis ang bestidang plano niyang bilhin via cellphone at ipinadala niya ito kay Mister with matching text na: Babagay kaya ito sa akin? More or less ay ganito ang magiging sagot ni Mister ay—Oo, babagay ‘yan sa iyo at mas lalong mapapansin ang kurbada ng iyong katawan versus sa napaka-ikling sagot na: Okey lang kung magtaÂtanungan kayo nang magkaharap.
Ang mga researchers ay gumawa ng dalawang katanungan: 1) Gaano ka kadalas mag-exercise; 2) Ilang pelikula ang iyong napanood noong nakaraang buwan. Itinanong nila ito sa 600 iPhone users. Mayroong nakatanggap ng tanong sa pamamagitan ng text at mayroong tinanong nang personal. Sa pangkalahatan, mas maganda ang naging kasagutan ng respondents na tinanong sa pamamagitan ng text kaysa naging kasagutan ng respondents na tinanong nang personal.
Napag-alaman ng mga researchers na mas honest at detalyado ang nagiging kasagutan sa tanong kapag ito ay ginawa sa pamamagitan ng texting dahil nakakapag-isip na mabuti ang respondents. Mayroon siyang sapat na oras para i-comÂpose ang kanyang isasagot. Samantalang kung impromptu at personal ang pagtatanungan, nagiging maikli lang ang sagot kaya nababawasan ng “sincerity†dahil walang sapat na oras para makapagmuni-muni ang respondents.