^

Punto Mo

‘Private investigator’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

IMPRESYON nang marami nating mga kababayan, kasing-bagal ng pagong ang usad ng hustisya sa bansa. Kaya ang iba, sa halip na ipagpaubaya sa korte ang kaso, napipilitang humanap ng ibang paraan sa pag-aakalang mas mapapabilis ang pagresolba sa kanilang ipinaglalaban.

Hindi maitatanggi na laganap ang kriminalidad sa bansa. Araw-araw, laging laman ng balita ang iba’t ibang insidente ng patayan at mga karahasan.

Dala nang matinding sama ng loob, marami sa mga kapamilya ng biktima, nahuhulog sa desperadong mga desisyon. Ang resulta, desperadong sitwasyon!

Ganito ang reklamong inilapit ni Evelyn sa BITAG! Ina ng pobreng negosyante na pinatay sa Bulacan, isang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Evelyn, nilapitan siya ng isang estrangherong nag-alok ng tulong para mabilis na maresolba ang kaso ng anak. Ang siste, kailangan muna umano  niyang bayaran ang serbisyo ng nagpakilalang private investigator para agad nang masimulan ang imbestigasyon.

Sa matinding paghahangad na matukoy at mahuli ang pumatay sa anak, nahulog sa BITAG ng private investigator si Evelyn! Lingid sa kanyang kaalaman, ito na ang simula ng kalbaryo niya.

Sa halip kasi na wala na siyang poproblemahin sa kaso ng anak, naging triple pa ang konsumisyong idinulot ng private investigator na natukoy na disk jockey sa Dagupan, Pangasinan.

Tumagal nang maraming buwan ang pag-iimbestiga sa kaso. Tuloy-tuloy din ang pagbabayad ni Evelyn sa imbestigador pero walang resultang ibinibigay si Dr. Heart tulad ng ipinangako nito. Sa ganoong sitwasyon, si Dr. Heart pa ang naging garapal sa paniningil kay Evelyn bilang kabayaran umano sa kanyang mga serbisyo.

Ang mga pagbabanta, pananakot at panghaharas ni Dr. Heart kay Evelyn, tinuldukan ng BITAG!

Abangan sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com. kung papaanong nahulog sa lambat ng BITAG ang putok sa buhong private investigator na si Dr. Heart!

vuukle comment

ABANGAN

ARAW

AYON

BULACAN

DAGUPAN

DALA

DR. HEART

EVELYN

GANITO

INA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with