^

Punto Mo

Drunk driving!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong ganap ng batas ang drunk driving sa ilalim ng Republic Act 10586 o ang Anti Drunk and Drugged Driving Act of 2013 marahil ay mababawasan na ang aksidente sa mga lansangan.

Hindi nga ba’t sa ilang pag-aaral ang pagmamaneho ng lasing o nasa impluwensiya ng alkohol ang isa sa mga pangunahing dahilan ng mga nagaganap na trahedya sa lansangan.

Ang totoo dati ng may batas tungkol sa drunk driving  kaya nga lang hindi ito naipapatupad ng maayos dahil wala nga at kulang sa mga  implementing rules and regulations ang batas. 

Mahirap idipensa  dahil nga sa walang malinaw na batayan para isakdal ang isang driver na nahuli na nagmamaneho ng lasing. Sa isang simpleng katanungan  papaano  sasabihing lasing ang isang driver? 

Dito na kinakailangan ang breath analyzer. Ito ang instrumento sa pagkuha ng alcohol content ng isang nakainom na driver. Kaya sa implementing rules and regulation ng batas na isasagawa--kailangan ang alcohol content upang malaman kung lasing ang isang nahuling nagmamaneho.

Ngayong may malinaw at naaprubahan ang batas tungkol dito, pag-aaralan na ng mga kinauukulan ang mga implementing rules and guideline sa pagpapatupad dito.

Isa sa ikokonsidera umano rito   ang  International Center for Alcohol Policy nung 2002 sa Washington DC, na ang 0.05 hanggang 0.08 alcohol content ang maitala ng breath analyzer ay magpapatunay para sabihing lasing ang isang driver.  

Kung noon ay walang naparusahan sa drunk driving sa kabila din ng implementasyon, panahon na para ma-analyze nang husto ang pagsita sa mga drunk drivers o naka-droga para masampolan. 

Kasabay nito ay kinakailangan ang pagbili ng maraming breth analyzer na ayon kay Gus Lagman,  na pangulo ng Automotive Association of the Philippines na more or less nagkakahalaga ng 6,000 peso ang presyo ng  isang breath analyzer.

Naku siguradong mara-ming masisilat dito, aba’y tumambay lang ang mga awto-ridad sa paligid ng mga club at ibang beerjoints, siguradong marami ang nakikipagsapala­ran dito na pagkatapos na uminom ng alak ay pupuwesto sa manibela ng kanilang sasakyan at magmamaneho.

Sana nga ay maayos na maipatupad ang naturang batas para kundi man maibsan at mabawasan ang aksidente sa lansangan. Panahon para masampolan ang mga pasaway na madalas ay nandadamay pa ng ilang inosente lamang.

Pero sana rin ay huwag itong pagsimulan ng paniba­gong ko­ rapsyon sa panig naman ng mga magpapatupad.

ALCOHOL POLICY

AUTOMOTIVE ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DRIVING ACT

GUS LAGMAN

INTERNATIONAL CENTER

ISANG

NGAYONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with