Practical Tricks & Tips
Pakintabin ang kumupas na silver:
Maglatag ng aluminum foil sa inyong lababo. Bago ka maglatag, siguraduhing may takip ang sink drainage. IhaÂnay ang lahat ng kumupas na silver kitchen utensils at jewelries.
Magtimpla ng pinaghalong 1/2 cup na rock salt + 1/2 cup baking soda + tamang dami ng mainit na tubig upang pagbabaran ng alahas at kitchen utensils. Haluin mabuti.
Ibuhos sa lababo na kinalalagyan ng mga silver. Hayaang nakababad ng 30 minutes.
Lemon Grass
Mainam na magtanim ka nito sa mga paso. Hindi lang ito masarap na sangkap sa pagluluto kundi pampalayas din ng lamok. Nagtataglay ito ng citronella oil at may amoy na lemon. Ayaw ng amoy lemon ng mga lamok.
Mas mainam na nakatanim ito sa paso para kung saang parte ng bahay malamok, mabilis na maililipat ang halaman.
Pine Sol
Ayaw ng mga langaw sa amoy ng Pine Sol. Timplahan ito ng tubig. 1 cup water + 1 cup Pine Sol. Ilagay sa spray bottle. Ispreyan ang mga lugar na tinitigalan ng langaw.
Tilamsik ng mantika sa pader
Para matanggal ang bakas ng mantika sa pader, punasan ito ng basahan na may nakabudbod na cornstarch. Kung hindi pa rin matanggal, muling budburan ang basahan ng cornstarch at ulitin ang pagpupunas.
- Latest