^

Punto Mo

Tupa, yosi at lapida

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA isang ulat sa New Scientist Magazine,  sinasabi ng mga researcher ng Oxford University sa England na hindi mabuting gamot sa insomniac ang pagbibilang ng tupa.  Sinabi  ni Allison Harvey na napansin nila ng kasamahan niyang si Suzanna Payne na lumitaw sa pagsusuri nila  na sa may 50 insomniac na mas madaling nakakatulog ang isang tao kung magaganda at nakakaigayang bagay  o tanawin  ang kanyang iisi­pin.  Maaaring,  habang ikaw ay nakahiga,  isipin mo na ikaw ay nasa isang baybaying-dagat o kaya ay nanonood sa isang rumaragasang waterfalls.  Binanggit ni Harvey na mas malaking bahagi ng utak  ang nagagamit   ng pag-iisip tungkol sa mga kahali-halinang tanawin.  At mas madaling manatili sa ganitong pag-iisip dahil nakakapukaw ng interes.

• • • • • •

 Sinasabi naman sa isang pag-aaral  ng Imperial  Cancer  Research  Fund ng United Kingdom na mas malaki ang panga­nib  na magkaroon ng lung cancer  at  sakit sa puso  ang mga tao na hindi naninigarilyo pero merong kasamahan sa kanilang bahay na mahilig manigarilyo.  Iyan ang tinatawag na second-hand smoke o passive smoking.  Hindi  mo  type  ang usok ng  sigarilyo pero walang pakialam yaong mga mahilig dito kung nasasagap mo ang ibinubuga nilang “kamatayan.”

• • • • • •

Merong klase ng lapida na, sa pamamagitan nito, aakalain mong nagsasalita ang isang patay. Nilikha ni  Robert Barrows ng Burlingame, California (United States) ang lapida na may kakabit na video na magpapakita at magpaparinig sa mensahe ng taong nakalibing sa isang puntod.  Ayon kay Barrows, Kung mapagtitibay ang patent na hiningi ni Barrows, umaasa siya na hindi lang huling testamento ang maiiwan ng isang namayapa kundi pati na rin ang kanyang huling video.  Nakakabit sa lapidang likha ni Barrows ang isang flat touch screen, isang computer na may microchip memory o hard disc. Paaandarin ito ng kuryenteng magmumula sa lighting system ng sementeryo.  Nauna na rito ang ibang nilikhang lapida na nagpapakita sa larawan at mensahe ng patay. Pero sa imbensyon ni  Barrows, kumikilos at nagsasalita ang patay sa pamamagitan ng lapida nito.

 

ALLISON HARVEY

ISANG

NEW SCIENTIST MAGAZINE

OXFORD UNIVERSITY

ROBERT BARROWS

SUZANNA PAYNE

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with