Kakaibang beauty treatment
IPOT NG IBON ANG IMIÂNAMASAHE SA MUKHA – Nakakita na ba kayo ng geisha? Sila ang mga Haponesang entertainers. Madaling makikilala ang geisha dahil sa kanilang makapal at maputing makeup. Pero alam n’yo bang ang maputing makeup na yun ay mula raw sa ipot ng ibon. Yes. Nangga-ling daw sa ipot ng nightingales.
Sa Shizuka, isang Japanese Spa sa Manhattan, New York, ipot ng nightingales umano ang pinipintura at minamasahe sa customer. Nagkakahalaga ng $180 ang paggawa nito. Ihahalo ang ipot ng ibon sa iba pang ingredients at saka maingat na imamasahe sa mukha. Maraming customer ang nagpapalagay nito. Ayon sa mga customer, nagkakaroon ng kakaibang glow sa kanilang mukha makaraang lagyan ng ipot.
• • • • • •
SINASAMPAL SA MUKHA – Kakaiba naman ang ginagawa sa isang massage parlor sa San Francisco, USA para maging maganda ang mukha at mawala ang wrinkles. Ito ay ang pagsampal-sampal sa mukha ng customers.
Pinauso ito ng Bangkok masseuse na si Tata. Sa kanyang massage parlor, ginagawa ang treatment sa pamamagitan ng pagpisil-pisil at bahagyang pagsampal sa mukha. Ang pamamaraan daw na ito ay nakatutulong para maging bata ang itsura ng customer.
Subalit masyadong mahal ang treatment. Umaabot sa $350 ang 15 minute session.
- Latest