ANG tanga at ang kanyang pera ay mabilis maghihiwalay.
Nag hangad ng isang salop, isang kaban ang nawala. Tayong mga Pilipino mahilig sa diskwento, pero sa bandang huli mas malaki pa ang nawawala sa atin. “Ipinadala ko agad yung pera sa pamamagitan ng LBC. Pagkatapos nun, hindi ko na siya nakontak,†wika ni Miko. Inilapit sa aming tanggapan ni Queen Annie Perez, 18 taong gulang at boyfriend nito na si Miko (di tunay na pangalan dahil menor de edad), para ireklamo si Timothy John Oliveros o mas kilalang “Bradix Recto†taga-Misamis Occidental.
Sa General Ricardo Papa Memorial High School sa Taguig nag-aral si Miko at dito nya nakilala si Queen. Nagkasama sa isang speech choir nung 4th year at dun naging close ang dalawa. Kasalukuyang kumukuha ng Information Technology sa St. John Bosco sa Pasig. Maganda, mabait at maalalahanin… Ganito inilarawan ni Miko si Queen ng mapadalas ang kanilang pagsasama sa practice sa eskwelahan. “Nung naging partner ko sya sa cotillion, nalaman ko gusto ko na sya,†masayang pahayag ni Miko.
Sa kalaunan ay nagustuhan din siya ni Queen. Tanggap naman ng pamilya nila dahil pareho naman silang mapagkakatiwalaan. Nung simula ay palagi silang nagaaway. Nang magtagal nawala din. Apat na oras ng pagdodota (online game) ang naging dahilan ng di pagkakaintindihan. Nakagawian nila ang pagtetext sa isa’t isa. Isang araw, buwan ng Marso rinegaluhan si Queen ng kanyang mama ng cellphone na N110. Kwento nya, isang beses nakitext siya sa tita at kapatid nya dahil walang load. Bago matulog, nilagay nya sa ilalim ng unan yung kanya, “Pag gising ko, wala na yung cellphone ko,†paliwanag ni Queen. Dun ay nagpasya si Miko na sorpresahin si Queen. Para makamura ay naghanap siya sa sulit.com.
Ika-labing isa ng Abril, 2013, madaling araw nang mag log-on si Miko sa website na ito. “Sinearch ko agad yung galaxy, lumabas po 1,500 na pagmamayari ni Bradix,†wika ni Miko. 2nd hand, may personal warranty at kasama lahat ng gamit. Dahil nga kumpleto, walang sira at mura daw ang presyo ay nagustuhan niya agad iyon. Dali-dali ay inadd niya ito sa Facebook. Dun nagsimula ang kanilang transaksyon. Nagpalitan ng number at address. Kinabukasan bandang 10:30 ng umaga nang pinadala ni Miko ang 1,600PhP (kasama ang shipping fee) sa LBC branch sa Taguig. Maliwanag ang kanilang naging kasunduan. “Sabi po nya pagka bigay ko ng pera, kinabukasan matatanggap ko agad yung cellphone,†salaysay ni Miko.
Sa kagustuhan agad niyang mapalitan ang cellphone ni Queen, ay pumayag siya. Dumating ang Lunes, wala pa rin silang natatanggap. Nakausap pa nila ito nung huling tinawagan ngunit nagdadahilan na. Ayon daw dito kay Bradix eh nasa Cebu na siya pero inamin nito na natanggap na nya ang perang pinadala. Kwento ni Queen, tinatawagan nila ito ngunit pinapatayan sila ng cellphone.â€I-nunfriend po nya ko sa Facebook, pero nung minemessage ko po siya binlock niya na ako,†wika ni Miko.
Sinubukan naming tawagan ang numero ni Bradix ngunit hindi ito sinasagot kaya nagpasya silang lumapit dito samin para humingi ng tulong. Itinampok namin siya CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
Bilang tulong ni-‘refer’ siya ni Mr. Tony Calvento sa National Bureau of Investigation kay Chief Ferdinand Lavin ang hepe ng Anti Organized Crime Division (AOCD-NBI) dahil nagkalat na ang mga ganitong uri ng panloloko sa Internet. “Dapat mag-ingat ang ating mga kababayan dahil maliwanag na scam nga ito,†babala ni Chief Lavin.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, walang masamang magsiguro sa peÂrang pinaghirapan. Sa hirap ng buhay ngayon, ang mga manloloko ay nagiging mas “creative†at sumasabay sa teknolohiya ng ating panahon.
Inatasan kami ni Mr. Tony Calvento na subukang kaibiÂganin itong si Bradix para mailabas siya sa kanyang lungga. Nakontak siya ng isang kasama kong OJT na si Johana. Sinabi niya ulit ang kanyang address, contact number at siya’y 18 taong gulang na daw. Parehas pa rin ang kanyang modus. Ibinato namin kay Chief Lavin ang lahat ng impormasyon para sila na ang umaksyon sa aming mga sinimulang pagsasaliksik.
Ang sulit.com siguradong may ‘administrator’ na namamahala dyan dahil kailangan mong bilhin ang domain name nito. Maaaring sumulat si Miko sa namamahala ng sulit.com para ipa-ban itong si Bradix. Paulit-ulit naming sinasabi, walang maliit o maÂlaking problema. Para sa amin, lahat ay importante dahil dito nadehado kayo. (KINALAP NI DIMPLE LEONARDO) Ang aming numero 09213263166 (Chen) / 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) / 09067578527 (Carla). Landline 6387285 at 24/7 hotline 7104038. Address: 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City.