NAGTAMPO ang bata sa ina dahil napagalitan ito. Nagtatakbo ito palayo sa kanilang bahay at sa isang kuweba siya humantong. Buong araw itong namalagi sa kuweba upang palipasin ang sama ng loob sa ina.
Upang mailabas ang hinanakit sa ina ay nagsisigaw ang bata, “Galit ako sa iyo! Galit na galit ako sa iyo! Sobra ka na!â€
Sa tuwing sisigaw ang bata ay may boses siyang naririnig at ang sinasabi ay ang eksaktong salita na isinisigaw niya. Natakot ang bata kaya umuwi siya sa kanilang bahay na tila nalimutan ang tampo sa ina sa sobrang takot.
“Nanay may multo po sa kuwebang pinuntahan ko. Walang tao pero may boses akong narinig. Ang sabi, galit siya sa akin.â€
Isinama ng bata ang kanyang ina sa kuwebang may multo raw. Napangiti ang ina nang nasa loob na sila ng kuweba. Hindi alam ng bata ay “echo†ng kanyang boses ang napagkamalang “multoâ€.
Sabi ng ina, “Anak, sumigaw ka nga ng… mahal kita!â€
“Mahal kita!†sigaw ng bata. Kasunod noon ay narinig ang echo na inuulit ang sinabing “mahal kitaâ€.
Napangiti ang bata, “Aba, mahal na ako ng multo. Hindi na siya galit sa akin. Nanay, ganoon po ba talaga, kung ano ang sinabi ko ay ganoon din ang sasabihin ng multo?â€
Masuyong niyakap ng ina ang kanyang anak at saka nagsalita, “Anak, ganyan ang batas ng buhay, kung ano ang iyong ibinigay, iyon din ang iyong matatanggap. Kaya kita pinagalitan kanina ay dahil sinaktan mo ang iyong kalaro. Ayokong manakit ka ng ibang tao dahil ayokong may mananakit din sa iyo.â€