Mistulang piyesta ngayon sa halos lahat ng panig ng bansa.
Siyempre pa ito na ang pinakahihintay na araw, ang araw ng halalan.
Pagkatapos nito, magkakaalaman na kung sino sa mga kandidato ang nagtagumpay at kung sino naman ang hindi pumatok sa mga mamamayan.
Gamitin po natin ang ating karapatan sa pagboto, pero gaya nga nang payo ng inyong Responde maaga kayong magtungo sa inyong mga presinto na nakahanda na ang listahan ng inyong iboboto.
Mahalaga talaga na may dala na kayong listahan, para na rin mas mabilis ang takbo ng pila ng mga boboto. Yung iba naman kasi inaabot talaga ng halos isang oras bago makatayo sa upuan sa botohan, kaya naiipon ang mga pila ng mga botante.
Pagkaboto, mas makabubuting umuwi na kayo at huwag nang tumambay-tambay pa at makihalo sa mga argumento.
Ito kasi ang madalas na pinagmumulan ng gulo at kainitan ng magkakatunggaling supporters ng mga kandidato.
Matindi ang init ng panahon, kaya makabubuti na huwag mainit ang ulo na maaari ring pagmulan ng gulo.
Hangad nating lahat na maging maayos, matiwasay, payapa at malinis ang gaganapin ngayong halalan.
Makakamit naman ito kung magtutulungan ang bawat.