PATI magulang ng nadakip na 15-year-old “bomber†ay balak kasuhan ng Manila Police District (MPD) sa piskalya. Naniniwala kasi itong si MPD officer-in-charge (OIC) Sr. Supt. Robert Po na kung di dahil sa kapabayaan ng mga magulang ng high school graduate ng Sun Yat Sen High School sa Sta. Cruz, Manila, ay di naghumaling sa paggawa ng bomba itong kanilang musmos na anak. Ayon kay Po, may utak o talento itong bata. Kaya lang hindi sa maganda napunta ang napag-aralan nya kundi sa kasamaan pa. Itong kinse anyos kasi mga kosa ay dinakip ng pulisya bunga sa nangyaring explosion sa Divisoria Mall noong Abril 26. Sa isang iglap, ang akala ng pulisya 5-star na rebentador lang ang sumabog. Subalit sinabi ng bata na gumamit siya ng GI pipe at sinalpakan niya ito ng mga ingredients sa paggawa ng firecrackers na binili niya sa Bulacan. Kung nabantayan ng mga magulang nya itong bata, di sana ito natutong gumawa ng bomba, ani Po. Henyo ang batang ito, aniya, subalit hindi na-monitor ng mga magulang ang mga ginagawa nya. Ano ba ‘yan?
Nagulat pa si Po ng umamin ang bata na siya din ang nasa likod ng pagsabog sa Aranque Market sa Manila din at sa parking lot ng Mall of Asia (MOA) sa Pasay City noong nakalipas na mga buwan. Ginawa ng bata ang pag-amin sa harap ng mga magulang, abogado nya at mga representante ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ani Po. Wala namang nasaktan sa tatlong pagsabog dahil kinontrol ng bata ang ginawa nyang bomba na hindi makapinsala ng malaki subalit nakakamatay pa rin ito, ayon kay Po.
Paano natuto gumawa ng bomba ang bata? Sa salaysay ng bata kay Po at mga imbestigaador natuto siyang gumawa ng bomba sa pamamagitan ng Internet. Sa una, ang ginamit nya na materyales ay ang mga text cards na binalot niya ng masking tape at kung anu-ano pa. Tinesting niya ang kanyang bomba sa itaas ng kanilang building sa Binondo kung saan pinalibutan nya ito ng mga hollow blocks para hindi maulinigan ng magulang nya at mga kapitbahay ang malakas na pagsabog. Hanggang pataas ng pataas ang grado ng bomba na ginagawa ng bata at ang Divisoria mall nga ang huling pinasabugan niya.
Paano nahuli ang bata? Tumawag pala ang bata sa security guard ng Divisoria mall para mag-sorry sa pagsabog nga. Lingid pala sa bata, nakita siya sa CCTV camera at kinilala siya ng isang tenant ng mall na maaring may kagagawan ng pagsabog. Nang sumulpot sa Divisoria mall ang bata noong Lunes, inimbita na siya sa MPD headquarters kung saan ikinanta niya ang mga kasalanan niya. Get’s n’yo mga kosa?
Naghihinayang si Po sa talent ng bata. Paano na sa ngayon ang kinabukasan niya at tiyak madaming kaso siyang haharapin? May karugtong!