^

Punto Mo

Karahasan sa halalan,tumitindi

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa natitirang ilang araw bago ang halalan, hindi maikakaila o maitatago ang  lalong tumitinding   mga karahasang nagaganap sa pagitan ng magkakalabang kandidato.

Sa Metro Manila lamang, sa Maynila at sa Taguig, halos magkasabay ang naganap na kaguluhan sa pagitan ng magkakatunggaling grupo.

Ang sinasabing pambabato umano sa mga supporters ni ex-Pres. Erap na ngayon ay tumatakbong Mayor sa Manila kalaban ni Mayor Alfredo Lim.

Sa Taguig naman ang kaguluhang sumiklab makaraan umanong pasukin ng kampo ni Rica Tinga ang munisipyo kung saan naman naharang ng mga supporters naman ni incumbent Mayor Lani Cayetano na tatakbo uli sa pagka-Mayor kalaban ni Tinga.

Ganito ang tensyon sa ilang lugar sa Metro Manila na sinasabing mainit ang labanan sa lokal na mga posisyon, pero mas mukhang madugo ang mga nagaganap sa ibat-ibang lalawigan.

 Bukod sa mga sagupaan ng mga kandidato at kanilang supporters marami-rami na rin ang nagbubuwis ng buhay.

Noon lamang Lunes ng gabi dalawang consultant ni re-electionist Quezon Gov. David Suarez ang nasawi makaraang paulanan ng bala ng riding in tandem sa Tiaong sa nabanggit na lalawigan.

Kahapon din hapon sa Pagudpud, Ilocos Norte, isa ang nasawi habang ilan pa ang nasugatan matapos na magkrus ang landas ng dalawang magkatunggaling kandidato  dito.

Lunes naman ng hapon, patay ang isang mayoralty candidate na si Rudy Abella sa San Jose Tarlac matapos barilin ng hindi nakikilalang suspect habang ito ay nangangampanya sa nabanggit na lugar.

Ang ganitong mga karahasan ay naganap sa kabila nga nang ipinatutupad na election gun ban.

Malaking hamon ito sa PNP ang mapanatili  ang kaayusan at matahimik na halalan.

Sana ay manaig ang kapa­yapaan sa bawat panig, at wala na sanang may magbuwis pa ng buhay o masaktan pa dahil sa halalan.

DAVID SUAREZ

ILOCOS NORTE

MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR LANI CAYETANO

METRO MANILA

QUEZON GOV

RICA TINGA

RUDY ABELLA

SA METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with