MAY mayamang lalaki sa aming bayan na kilalang playboy. Palibhasa’y maliit lang na bayan, bistado ng marami kung sinu-sino ang kanyang naanakan. Magaling pumili ang lalaki ng babaeng kekeridahin niya dahil wala kang itatapon sa anim na naanakan niya. Kung sa mga artista lang dito sa atin ikukumpara, di hamak na mas magaganda ang mga kerida ng mayamang lalaki. Kahawig lang naman ni Audrey Hepburn ang isa.
Hindi maganda ang “original†o legal wife ng mayamang lalaki. Magkaganoon pa man, hindi iniiwan ng lalaking mayaman ang kanyang orig na asawa. Paano, dito raw niya nakita ang pinakamagandang katangian ng isang babae. Magkaroon man daw siya ng 100 na kerida, number one pa rin sa kanya ang orig na misis. Pasensiya na lang daw sa kanyang misis at naging “makati†lang siya sa babae.
Apat na babae sa Bibliya ang binanggit na magaganda: Rachel, asawa ni Jacob; Abigail, asawa ni David; Bathsheba, isa pang asawa ni David; Esther,asawa ng Persian King na si Ahasuerus. Ang mga babaeng nabanggit ay hindi “original†na asawa ng mga lalaking aking binanggit. Mga kabit lang sila. Kaya kung hindi ka maganda pero ikaw naman ang orig na asawa, maging PROUD ka!