NANGUNGUNA ang Iraq, ikalawa ang Somalia at ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang walang awang pinapatay ang mga mamamahayag. Ito ay base sa ginawang pag-aaral ng Committee to Protect Journalists (CPJ) sa inilabas nilang 2013 Impunity Index. Anang report, ikatlo sa pinaka-worst ang Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang media freedom. Lubha umanong delikado ang buhay ng mga mamamahayag sa Pilipinas sapagkat walang awang pinapatay. At hindi nakakaÂtamo ng hustisya ang mga pinaslang na mamamahayag. Sa kabila rin umano ng pahayag ni President Aquino na poprotektahan ang mga mamamahayag at wawakasan ang mga pagpatay, patuloy pa rin ito. Wala pa ring patid ang mga pagpaslang at wala pang mga “utak†na napaparusahan. Ang CPJ Impunity Index Rating para sa Pilipinas ay 0.580 unsolved journalists murder.
Patuloy ang pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa at tila wala na ngang proteksiyon mula sa gobyerno. Bala ang katapat ng mga mamamahayag na bumabatikos o bumabanat. Mayroong tatambangan ng riding-in-tandem, mayroong pinapasok sa loob mismo ng tahanan at sa harap ng mga anak ay binabaril at mayroong pinapatay sa loob ng mall o tindahan.
Isang halimbawa ay ang broadcaster-environmentalist na si Doc Gerry Ortega. Pinatay si Ortega habang pumipili ng damit sa isang tindahan ng ukay-ukay sa Puerto Princesa City noong 2011. Binaril siya habang nakatalikod at tinamaan sa batok. May mga inarestong suspek pero habang nasa kulungan ay isa-isang pinatay ang mga ito. Siniguro na hindi “maikakanta†ang utak ng pagpatay. Ang tinuturong “utak†ay hindi pa nadadakip hanggang sa kasalukuyan.
Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay nangyari noong Nob. 23, 2009 sa Maguindanao kung saan 30 ang minasaker at saka inilibing sa hukay. Hanggang ngayon, wala pang nakikitang liwanag sa krimen.
Tuparin ng Aquino administration ang pangakong wawakasan na ang mga karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag at dakpin ang mga “utakâ€. Maawa sa mga kaanak ng pinatay. Isilbi ang hustisya.