NOONG Miyerkules ay nakumbida ako upang maging guest celebrity sa programang Personalan ng GMA News TV. Sa mga hindi pamilyar, ang Personalan kung saan sina Ms. Jean Garcia at Jolina Magdangal-Escueta ang mga host ay tungkol sa paghaharap-harap ng mga taong may gusot at isyu, at sa tulong ng resident psychologist, ang “Gabay sa Buhay†na tinatawag nila, si Ms. A na mahimay at matapos ang di pagkakaintindihan. Ang katapusan dapat ay kapatawaran, o pagkakasunduan.
Ang isyu noong episode ko ay tungkol sa isang babaing nagngaÂngalang Lenlen na mahilig kumabit sa mga lalaking may asawa. Iniharap sa kanya ang mga asawa ng mga lalaking kinabitan niya, gayundin ang iniwan niyang lalaki para sa mas nakababatang kapatid nito. Naloka ako kay Lenlen dahil sa simula ng programa ay animo’y proud pa siya sa kanyang mga ginagawa at pasya sa buhay. Pero di naglaon ay ibinukas niya ang buhay kung bakit siya nagkaganoon.
Si Lenlen ay nabuntis ng kauna-unahang nobyo nito na iniwan na lamang siya bigla. Mula noon, naghanap si Lenlen ng “asawa†niya sa katauhan ng mga may-asawa. Nakutuban ko na may pinanggagalingang pait si Lenlen kaya naging ganoon siya. Dahil sa sakit na dulot ng pangyayaÂring ito sa kanyang nakaraan, pilit niyang pinupunan ang butas, ang puwang sa puso niya kahit sa maling paraan. Pero sabi nga nila, hindi maitatama ang isang maling bagay ng isang kamalian pa.
Naantig ang damdamin ko nang magpakumbaba si Lenlen sa mga naagrabyado niya, ang isa pa nga ay kababata niya pero nagawa niyang akitin ang asawa nito. Naisip kong marami sigurong mga Lenlen sa mundo ang nasaktan at hirap malampasan ang sakit na bumasag sa kanilang puso at nagwasak sa kanilang pagkatao.
Narito ang ilang words of wisdom.
Kung ikaw ay inagrabyado, iniwan o sinaktan sa ano mang paraan at ni hindi kayo nagkaroon ng paraan na ipaalam sa mga taong iyon ang tungkol sa sakit na idinulot nila sa inyo, ipinapayo kong patawarin n’yo na lang sila. Alam kong mahirap at mas madaling sabihin kaysa gawin ang sinasabi ko. Pero ang kapatawaran kasi ay dapat na isang pasya at hindi pakiramdam. It is a choice. Piliin mong patawarin ang taong nanakit sa iyo. Bakit? Dahil hangga’t hindi mo sila pinatatawad ay hindi ka magiging malaya at maligaya. Isipin mo, sinaktan ka na nga, lalo mo pang sinasayang ang buhay mo sa pagiging bitter?
Imbes na ginagamit mo ang oras at buhay mo sa pagbangon at pagpapaganda ng iyong kinabukasan ay nasasayang lang ito dahil hindi ka makamove on.
Sa kaso ni Lenlen, may anak siya, dapat ay gamitin niya ang anak niya bilang tungkod upang makabangon. Parang si Gummy sa akin, siya ang ginawa kong matinding dahilan upang mas pagandahin ang buhay namin.
Masakit at mahirap madapa. Ngunit ang pinakamaÂhirap ay ang pagbangon mula rito. Gawin dapat na inspirasyon ang pagkakaroon ng anak, o mga kapamilya na maaari mong kapitan upang matuÂlungan kang bumangon, paÂkawalan ang sakit at ng sa gayon ay tuluyan ka ng makausad sa buhay.
Huwag mong gawing preso ng nakaraan ang iyong sarili. Maawa ka sa sarili mo. May rason kung bakit ka nasaktan. Ngunit mas maraming rason upang bumangon ka at lumaban.
Abangan ang aking guesting sa Personalan sa susunod na linggo, 7 p.m. ng gabi sa GMA NEWS TV.