UMAABOT pala sa P140 milyon ang kubransa ng 1,131 gambling lords sa bansa sa illegal numbers game na jueteng sa loob ng isang araw, ayon sa PNP report. Take note mga kosa, P140 milyon! Kung ang perang ito ay mapaÂpunta sa gobyerno, aba maraming school at residential buildings, kalsada, at iba pang infrastructure ang mapapagawa araw-araw. Masasabi ko na malaking bahagi ng naghihirap nating kababayan ang matutulungan ng perang ito at maiahon sila sa kahirapan. Subalit hanggang sa ngayon, wala pang linaw kung ano ang official stand ng Aquino government sa jueteng. Maging si DILG Secretary Mar Roxas ay tikom ang bibig din sa plano niya sa jueteng. Itong si Roxas kasi mga kosa ang nagdeklara ng “no take policy†at inutusan ang CIDG at IG na magsagawa ng malawakang raid sa jueteng joints. Pero hanggang sa ngayon, walang pang gameplan si Roxas sa jueteng. Ang ibig kong sabihin, wala pang ending ang programa niya. Kung tagumpay sina CIDG director Chief Supt. Frank “Tsunami’ Uyami at IG director Chief Supt. Abe Villacorta sa mga raid nila, ano ngayon ang kalalabasan ng jueteng? Ipapasara ba ni Roxas ang jueteng?
Kung ipapasara ang jueteng, ano ang programa ng gobyerno para maibsan ang impact nito sa libong mahihirap na nakikinabang dito? Sa tingin nga ng mga kausap ko baka maapektuhan pa nga ang mga kandidato ni P-Noy sa May elections kasi galit na ang mga tao sa kalye dahil malaki ang nabawas sa kita nila sa sunod-sunod na raid ng CIDG at IG. Hindi lang yan. Malapit na rin ang pasukan at hindi naman kaila sa atin mga kosa na ang mga maliliit na nakikinabang sa jueteng ay nagpapaaral din ng kanilang mga anak. Hindi ito alam ni Roxas na galing sa angkang mayaman. Kahit magsara man kasi ang lahat na negosyo at pagkakakitaan sa bansa, hindi magugutom ang pamilya ni Roxas. ‘Ika nga hindi nya alam kung paano ang maging mahirap.
Inamin naman ni Dir. Cipriano Querol, hepe ng Directorate for Intelligence ng PNP na bumaba ang kubransa ng jueteng bunga sa takot na ang mga kubrador na mahuli ng CIDG at IG. Sinabi pa ni Querol na kahit abot-langit ang tagumpay ng kampanya ng CIDG at IG laban sa jueteng, ni isang financiers ay hindi nagsara ng negosyo. Ang ibig kung sabihin, tuloy ang ligaya ng mga financiers subalit malaking bahagi sa naipon nilang pondo ay napunta sa piskalya. Get’s nyo mga kosa?
Kung sabagay, hindi lang ang mahihirap ang nakikinabang sa jueteng kundi maging ang mga lokal na PNP, pulitiko at maging iba pang ahensiya ng gobyerno tulad ng opisina ni NBI Dir. Nonnatus Caesar Rojas. Kahit mainit na nga ang CIDG at IG, hindi naman humihinto ang mga kolektor nila sa pag-iikot at mangubra ng lingguhang intelihensiya. ‘Ika nga kung ang plano ni Roxas ay ipasara ang jueteng, ang iba namang sangay o ahensiya ng gobyerno ay hindi sang-ayon sa balakin niya. Ano ba ‘yan?
Kung ako naman ang tatanungin, isang kumpas lang ng kamay ni P-Noy o ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima tapos na ang laban dito vs. jueteng. Get’s n’yo mga kosa? May karugtong!