UNANG nakita ng mga tao ang sakit na ito noong 2007 nang isang lalaki na nagngangalang Dede Koswara ang nag-appear sa internet. Hilakbot ang mga nakakita sapagkat buong katawan ni Koswara ay tinubuan ng mga kulugo. Pagkatapos ay na-feature siya sa Discovery Channel at Learning Channel.
Umano’y isang virus (human papilloma) ang may kagagawan ng Epidermodysplasia verruciformis. Tinutubuan ng kulugo ang katawan hanggang sa dumami ito nang dumami. Kung titingnan, maihahalintulad ang balat ng pasyente sa natutuyong “balat ng kahoyâ€.
Sa kaso ni Dede Koswara, hindi umano siya tumigil sa paghanap ng paraan para mawala o tumigil sa pagdami ang mga kulugo. Maraming beses na siyang sumailalim sa operasÂyon para matanggal ang mga kulugo. Isa-isa umanong inalis ang mga kulugo.
Subalit ang pagsisikap niya na matanggal ang mga kulugo ay nawalan ng saysay sapagkat muling tumutubo at mas agre-sibo sa pagdami ang mga kulugo. Kailangan umano ni Dede nang da-lawang operasyon sa loob ng isang taon para mabawasan man lang ang mga kulugo.
Wala pang na-tutuklasang lunas sa sakit.