ANG sakit na Proteus Syndrome ay iilan lamang ang dinadapuan. Sa pinaka-huling report, umano’y 200 kaso lamang ng sakit na ito sa buong mundo ang nakukumpirma.
Ang Proteus Syndrome ay isang congenital na sakit. Lumalaki ang mga bahagi ng katawan. Umano’y binabalutan ng skin tumors ang mga bahagi ng katawan. Pati ang bungo (skull) at ibabang bahagi ng katawan ay nababalot ng tumor. Pinaka-matindi ang nakabalot na tumor sa ilalim ng paa o talampakan sapagkat nag-eexpand ang mga binti, hita at baywang.
Isa sa mga hinihinalang may Proteus Syndrome ay si Joseph Merrick ang tinaguriang “Elephant Manâ€. Pero sa DNA tests na isinagawa, hindi napatunayan na ang sakit ni Merrick ay Proteus syndrome. Gayunman, patuloy pa rin ang pagsasaliksik sa sakit na nabanggit.