Maski sa mga hayop ay meron ding bakla at tomboy (2)

BAKLANG GIRAFFES – Ayon sa mga scientist, ang mga lalaking giraffes, bago raw makipagtalik sa mga babaing giraffes ay nakikipagtalik muna sa mga kapwa lalaki.  Obserbasyon nila, ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki ang mabisang paraan para lalong maging mahusay o eksperto sa pakikipagtalik. Ipinakikita raw ng mga lalaking giraffes ang iba’t ibang paraan ng pakikipag-ulayaw sa kapwa lalaki. Kinabibilangan ito ng tongue kissing, pagmasahe sa batok,  pagyakap, full-body contact at nuzzling.

Pagkaraan daw ng sexual encounters ng giraffes sa kapwa lalaki, magsisimula na raw mag-court ang mga ito sa babaing giraffes. At nakikita raw na mahusay na mahusay ang lalaking giraffes sa panliligaw sa babae. Napapakinabangan nang husto ang pakiki-pagrelasyon muna sa lalaki. (listverse.com)

Show comments