Habang papalapit ang halalan, kasabay ng matinding init ng panahon na nararanasan ang mainit na mga pangyayari sa pulitika sa bansa.
Tumitindi ang mga pagpapapalitan ng mga siraan ng mga kandidato, gayundin ang mga nagaganap na karahasan na masasabing ang ugat ay ang matinding labanan sa pulitika.
Pinakahuling naitalang pangyayari ay kamakalawa ng gabi kung saan napatay ang driver at bodyguard ni Gingoog City Mayor Ruth Guingona makaraang ambusin sa Brgy. Binakala sa Gingoog, Misamis Oriental.
Bagamat sa paunang report mga miyembro ng rebeldeng NPA umano ang responsable sa naturang insidente, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na baka may kinalaman sa pulitika ang insidente. Patay ang magkapatid na driver at bodyguard ng Mayor, habang sugatan naman si Mayor Guingona.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente ganap na alas- 10 ng gabi habang sakay ang mga biktima ng isang pickup Hilux at tinatahak ang nasabing lugar papauwi ng kanyang bahay.
Galing umano sa coronation night sa barangay fiesta sa Alagataan sa Gingoog ang grupo ng alkalde nang pagsapit sa nasabing lugar ay paputukan ang kanilang convoy ng mga armadong kalalakihan. Naka-posisyon na umano ang mga suspek sa Barangay Binakalan nang pagbabarilin ang mga sasakyan.
Noon din nakalipas na linggo hindi nga bat pinasabugan din ang bahay ng isang politiko sa Mindanao, kamakailan lamang isang supporter politiko sa Taguig ang iniulat na itinumba , na ayon sa mga kaanak ng biktima ay may malaking kinalaman sa pulitika.
Ilang araw na lamang ay sasapit na ang halalan, matinÂdi at mainit na ang mga pagbabatuhan ng akusasyon at siraan ng maraming mga kanÂdidato sa kanilang mga katunggali, hindi bale kung salitaan na lamang ang mangyayari, ang nakakatakot dito ay ang pagdanak pa ng dugo.
Ganito na nga yata ang takbo ng pulitika sa bansa, madalas nagiging marahas at ang masakit pa rito may ilan na nadadamay na lamang.
Kung sabagay kahit siguÂro matapos na ang halalan, patuloy pa rin ang mainit na takbo ng pulitika, siyempre pa hindi pa dyan matatapos, walang katapusang protesta naman ang siguradong ihahain ng mga talunang kandidato.