Base sa resulta ng pag-aaral na ginawa ng mga scientists sa Northwestern University sa Illinois, ang mga sanggol na mabilis tumaba mula nang siya ay isilang hanggang sa ika-anim nilang buwan ay 1) maagang nakaranas na makipagtalik, 2)maraming naging sex partner at 3) naging athletic paglaki. Nakuha nila ang ganitong konklusyon mula sa 770 kalalakihan na sinubaybayan nila ang buhay mula nang sila ay isilang hanggang sa ika-22 nilang kaarawan.
Mas malaki ang penis ng mga bakla kaysa tunay na lalaki. Di nga…
May isang malawakang pag-aaral ng ginawa noong 1938 hanggang 1963 sa Kinsey Institute para sa Research in Sex, Gender and Reproduction. Mga 5,122 kalalakihan ang kasali sa pag-aaral. Hinati sila sa dalawang grupo, bakla at tunay na lalaki. Ipinasukat mismo sa kanila ang sarili nilang penis gamit ang tape measure—haba, taba kapag “tulog†at “gising na gisingâ€.
Inisip ng ibang tao na baka raw nagsinungaling ang mga bakla sa sukat ng kanilang penis. Baka gusto lang nilang magpabida. Ang depensa ng mga bakla, ano naman ang mapapala nila kung magyabang sila na malaki ang kanilang bitoy. Di ba’ t ipinatatanggal pa nga nila sa kagustuhang makamtan ang kanilang pangarap na maging mujer? So, what’s the point para magsinungaling? (Itutuloy)