Lampong (270)

NAGHUBAD ang dalawang lasing. Atat na atat ang mga ito. Ang mga pinaghubaran ay iniwan na lamang sa pampang. Hubo’t hubad ang dalawa. Wala nang pakialam palibhasa’y mga lasing.

Nag-uunahan ang mga ito sa pagtungo sa sapa na pinaglulunuyan ni Jinky.

“Huwag khang mai-ngay partner at bakah big­lang makatakas ang magandang binibini, hik!”

“Hindih nah makakatakas yan, hik. Baka nga hindi na makaahon sa tubig. Sa tubig pa lang ay iineksiyunan na natin siya, hik!”

Wala namang kamalay-malay si Jinky ng mga oras na iyon na may panganib. Panay kasi ang sisid niya. Napakalinaw kasi at napa-kasarap sa katawan ng tubig sa sapa. Sa ilalim ay mainit-init ang tubig. Napakasarap sa balat. Hindi pa siya aahon. Hahayaan niyang nakabantay at naghihintay si Tanggol. Naisip din naman niya na ano kaya at yayain niyang maligo si Tanggol. Pero sa tipo ni Tanggol ay tila hindi niya mayayayang maligo. Mukhang mahiyain si Tanggol. At saka sa palagay niya ay hindi iyon marunong magsamantala. Hindi man lang nagtatangkang silipan siya. Nanatili lamang ito sa lilim ng punong banaba.

Sumisid pa sa malalim na bahagi si Jinky. Sarap!

Nang mapagod sa pagsisid, ipinasyang lumutang.

At gayun na lamang ang pagkagulat niya sapagkat nasa pampang na ang dalawang hubad na lalaki.

“Andito na kamih, huwag kang aahon, hik!”

“Dyakpat tayoh, ang kinis!”

Walang nasabi si Jinky sa pagkabigla at pagkatakot. (Itutuloy)

Show comments