MALILIGO ang dalawang lasing! Iyon ang narinig ni Tanggol. MalaÂkas ang usapan ng dalawa. Halatang marami nang nai-nom. Sa tipo ng mga ito ay hindi gagawa nang mabuti.
Hinayaan ni Tanggol na makalayo ang dalawa. Mahaba naman ang sapa at hindi naman siguro sa lugar na pinaliliguan ni Jinky ang mga ito tutungo.
Hinayaan na ni Tanggol ang dalawa. At saka ang alam niya, kapag usapang lasing e wala siyang dapat alalahanin. Hindi siya dapat maalarma sapagkat palayo nang palayo ang dalawa.
Isinandal ni Tanggol ang likod sa puno ng banaba. Inaantok siya. Mainit kasi ang panahon. Pumikit siya. Hindi pa naman siguro aahon si Jinky sa sapa. Naglulunoy pa ito marahil. Hinayaan niya. Hindi na niya sisilipin at baka mapagkamalan pang naninilip siya. Titiisin niya na huwag makita ang kariktan ni Jinky. Darating din ang tamang panahon na magkakaisa ang kanilang katawan ni Jinky. Hihintayin niya ang pagdating niyon.
Nakaidlip si Tanggol.
Walang kamalay-malay si Tanggol na nagbalik pala ang dalawang lasing. Naghahanap ng magandang lugar na pagliliguan. Sa kahahanap ay ang nasumpungan ay ang mismong pinaglulunuyan ni Jinky.
Hindi makapaniwala ang dalawang lasing sa nakita.
“Pare ko’y hik, nakikitah moh ba ang nakikitah ko, hik?â€
“Alin pare ko’y hik?â€
“Malaboh nah talaga ang matah mo, hik!â€
“Ano ba yun, pareh ko’y?â€
“Ayun, may babaing naliligoh sa sapah, hik! Ang gandah, hik! Hubad na hubad. Kitang-kitah ko, hik!â€
“Oo ngah, pare ko’y, ang suwerteh naman natin.’’
“Pssst, hwag kang mai-ngay at bakah marinig tayo ay biglang umahon. Baka maging batoh pa, hik!’’
“Anong gagawin natin, hik?â€
“Dito kah, at doon ako sa kabila para hindi makatakas ang magandang binibini, he-he!â€
“Okey pare ko’y, hik.â€
“Maghubad ka nah, pare ko’y. Para pagnahuli natin si binibini ay tataniman na lang natin, hik. Tiyak na masarap taniman ang mamasa-masa, hik! Ako muna ang magtatanim ha hik. Ako naman ang nakakita eh, hik.â€
“No problem, hik. MagÂhuhubad na ako, hik.â€
“Ako rin, hik.’’
(Itutuloy)