ITO ang karugtong ng lumabas noong Biyernes:
— Challenge lang kung papaano masisigurong may social interaction at pakikihalubilo ang anak mo sa ibang batang kaedad niya. Healthy rin na paminsan-minsan ay may iba siyang nakakasalamuha at hindi lamang ang mga pamilyar na mukha ng mga pamilya niya ang nasisilayan.
— Kalayaan sa pananampalataya. Hindi lamang ang edukasyon ng bata ang matututukan mo kundi pati ang kanyang behavior at beliefs. Mahalaga ang unang ilang taon ng bata dahil dito hinuhulma ang kanilang mga paniniwala. Mahirap kung hindi consistent ang itinuturo sa kanya ng magulang sa nakikita sa paligid pagdating sa paaralan. Dahil hindi naman pare-pareho ang pananampalataya ng mga bata, masusubaybayan ding mabuti ng magulang ang values ng anak kung homeschooled.
— Mas close ang bata sa mga magulang at pamilya kapag homeschooled. Hindi ito maipagkakaila. Ngunit tulad nga ng sinabi ko mahalaga pa rin ang socialization at hindi puro kayo lamang ang nakikita ng anak n’yo.
— Mas makakapahinga ang anak n’yo. Hindi sila masyadong drained mula sa paggising ng maaga para pumasok, mag-aaral ng buong araw halos tapos pag-uwi ay may takdang-aralin pa. Madalas late ang tulog tapos maaga pa rin ang gising kinabukasan. Dahil nga hawak mo ang oras ninyong mag-ina, kontrolado mo ang pacing ng inyong mga gawain pati na rin ang response ng iyong anak. Kapag pagod na kasi, hindi na maka-focus at maka-absorb ang bata ng leksyon. Mahalaga ang rest siyempre.
— Walang malaking matrikulang kailangang bayaran ngunit kailangang maging malikhain sa pagtuturo. At kung minsan ang mga materyales bagamat mura, kung marami naman ay lalabas na malaking gastusin din.
— Demanding sa oras at minsan ay kailangang may isang magulang na magsakripisyo ng trabaho upang matutukan ang edukasyon ng anak. Mahirap ang ganitong set-up kung parehong magulang ang kumakayod.
— Kung gusto mong i-homeschool ang anak, siguruhing nae-enjoy mo talagang makapiling siya at kaya mo ito ng 24/7. May mga nanay kasi na gustong nahihiwalay sa anak upang maging balanse siya at kalmado.
— Bagamat safe at secured ang ating mga anak sa tahanan, baka rin masyado silang ma-ging “sheltered†at mahirapang mag-adjust sa iba’t ibang sitwasyon pagtanda nila kapag ipinasok siya sa big school.
Ikaw, Mare ano ang opinyon mo sa paghohomeschool ng anak?