^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Tuwid na daan’ binabaluktot ng BI?

Pang-masa

“TAYO na sa tuwid na daan,” ito ang sinasabi ni President Aquino. Ang slogan niyang “tuwid na daan” ay malaki ang bahagi sa kanyang pagkakapanalo noong 2010 presidential elections. Ang mamamayan ay matagal nang nauuhaw sa pamumunong “tuwid” at “malinis”. Nagsasawa na sa mga mapagsamantala’t corrupt.

Pero paano kung sa pagnanais at pagpupumilit ni Aquino na tahakin ang “tuwid na daan” ay mayroon naman siyang mga tauhan na binabaluktot ang landas patungo sa pagbabago at pag-unlad? Habang ipinagmamalaki ni Aquino administration ang “tuwid na daan” binabaluktot naman ito ng mga tiwali sa Bureau of Immigration (BI). Sa nangyayaring “pagbaluktot” ng mga tiwaling tauhan sa Immigration, nawawala ang sustansya ng mga ipinagmamalaki ng Aquino administration.

Ang kaso ng pagkakatakas sa bansa ng Korean fugitive na si Park Sung-jung noong Marso 19, 2013 ay itinuturong kagagawan ng mga corrupt sa Immigration. Mismong si Justice Secretary Leila de Lima ang nagsabi na malaki ang pananagutan ng mga taga-Immigration. Nasuhulan o nalagyan ng pera ang mga corrupt sa Immigration kaya ito nakalabas ng bansa. Ayon kay De Lima, nakapagtataka rin kung bakit naisyuhan ng working visa si Park noong Agosto 2012 gayong nasa process na ito ng deportation sa kanilang bansa. Si Park ay wanted sa Seoul dahil sa $25-million investment scam.

Mabilis umano ang pagkakalabas ng bansa ni Park sapagkat nang araw na tumakas ito, noon ding araw na iyon binili ang tiket sa eroplano. Nakahanda na ang may nakatatak na boarding pass at hindi nakarehistro ang kanyang departure.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nakatakas na Korean habang nasa custody ng Immigration. Noong 2011, nakatakas din si Kim Tae-dong. Wanted si Kim sa Seoul dahil sa panloloko.

Kamakalawa, sinabi ng Immigration na sinibak na ang mga empleadong sangkot sa pagtakas ni Park. Madaling sabihin yan. Mas maganda kung magkakaroon nang malawakang revamp sa Immigration.

AQUINO

BUREAU OF IMMIGRATION

DE LIMA

IMMIGRATION

JUSTICE SECRETARY LEILA

KIM TAE

PARK SUNG

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with