^

Punto Mo

Lampong (255)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NILAPITAN ni Tanggol ang isang pares ng sapatos na nasa kulungan ng mga itik. Rubber shoes. May bahid ng putik ang sapatos. Dinampot niya.

Sinuri. Bago pa iyon. Ki­lalang brand.

“Kanino kaya ito?”

“Mukhang naiwan sa pagmamadali.”

Nag-isip si Dick.

“Hindi kaya ang may-ari nito ang gumagawa ng kawalanghiyaan sa mga itik?”

“Posible, Tanggol.”

“Kaya narito ang sapatos ay dahil mayroon siyang inilalagay dito sa loob ng kulungan. Ma­aaring lason. At siguro kaya naiwan ang sapatos ay dahil may dumating na tao. Nagmamadali sa pag-alis.”

“Tama ka Tanggol. May ginagawang masama ang may-ari ng sapatos kaya narito  sa loob.’’

“Matibay na ebidensiya ito, Mulong.”

“Itago natin, Tanggol.”

Kinuha ni Mulong ang sapatos na hawak ni Tanggol. Sinuri. Tiningnan ang size

“Size 9.5. Wala pang gasgas. Bago pa ito Tanggol. Kabibili lang siguro. At mamahaling brand.”

“Malalaman din natin­ kung sino ang may-ari niyan­,” sabi ni Tanggol.

Dinala nila sa kubo ang sapatos at itinago. May susi na sila kung paano mahuhuli ang mga pumapatay sa itik.

“Mamayang gabi, sa kulungan tayo magbabantay. Malakas ang kutob ko, ba­balikan ng may-ari ang sapatos. Tiyak na kukunin nila sapagkat matibay na ebidensiya laban sa kanila.’’

“Ang husay mo Tanggol­.”

“Kaya mo bang tu­magal sa loob ng kulungan, Mulong­?”

“Oo naman.”

“Hindi tayo titigil hangga’t hindi nahu­huli ang mga perwisyo sa itikan­.”

“Aprub, Tanggol.”

Kinagabihan, nasa loob ng kulungan ang dalawa. Nagkubli sila sa malaking haligi para hindi mapansin ng kung sinumang papasok sa kulungan.

Handang-handa na sila. Magkakasubukan kapag may pumasok. Hawak ni Tanggol ang dalawang yantok na pang-arnis. Naka­handa rin si Mulong. Wala nang atrasan ito.

(Itutuloy)

APRUB

DINALA

KAYA

MULONG

SAPATOS

SHY

SINURI

TANGGOL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with