^

Punto Mo

Pekeng doktor, inineksyunan ng Silicone ang ari ng lalaki, namatay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GUSTO ni Justin Street, 22, na lumaki ang kanyang “pagkalalaki”. Naisip niyang paineksiyunan ito ng silicone para lumaki. Pero ang paghahangad na iyon ang naging daan para mamatay si Justin. Namatay si Justin makaraang dumalo sa isang “pumping party”. Nagkaroon umano ng blood clot sa baga si Justin. Isang medical examiner ang nagsabing namatay si Justin dahil sa silicone embolism.

Ang nagsaksak ng silicone kay Justin ay nakilalang si Kasia Rivera, 34, ng New Jersey. Nagpakilalang doctor si Kasia.

Ayon sa police report, nagtungo si Justin sa bahay ni Casia para sa penis enhancement procedure. Agad ding isinagawa ng araw na iyon ang paglalagay ng silicone sa ari ni Justin. Na­tapos ang procedure. Natutuwa si Justin sapagkat malaki na ang kanyang “pagkalalaki”.

Ilang araw matapos ang procedure, dumalo sa isang “pumping party” si Justin. Sinubukan ang kanyang malaking “ari”.

Kinabukasan, namatay si Justin.

Nagkaroon ng imbestigasyon at inaresto si Rivera. Kinasuhan siya ng manslaughter. Kinasuhan din siya ng unauthorized practice of medicine. Itinakda ang $75,000 bail.

Ayon sa Food and Drug Administration (FDA) ang ina­aprubahan lamang nila ay ang Botox kung saan non-encapsulated medical silicone ang ginagamit.

AYON

BOTOX

CASIA

DRUG ADMINISTRATION

JUSTIN

KASIA RIVERA

KINASUHAN

NAGKAROON

NEW JERSEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with