MASARAP nang dilaan ang mga inisyung selyo ng Belgian Post Office sapagkat may chocolate flavour. Nalalanghap umano ang tsokolate sa mga selyo.
Ang mga sel-yong inisyu noong Easter Sunday ang pinaka-bongga sapagkat malalasahan ang tamis ng chocolate kapag dinilaan. Nasa kalahaÂting milyon ang inis yung selyo na may choco flavour.
Ang susunod umaÂnong iisyung selyo ng Belgian Post Office ay yung kumikislap sa dilim para sa road safety.
• • • • • •
Ang 2 pinaka-maruming pera sa Europe
ANG Danish krona at Swedish kroner ang pinaka-maruming pera sa Europe ayon sa pag-aaral ng Oxford University. Napakarami umanong bacteria ang dalawang pera.
Ang average na bacteria na nakikita o taglay ng European money ay 26,000. Ayon sa pag-aaral, DenÂmark krona ay may 40,266 bacteria at Swedish kroner ay 39,600.
Ang pinaka-malinis namang pera sa Europe ay ang Euro na may aveÂrage na 11,066 bacteria.