Mga Kamangha-Manghang Butas (2)
BUTAS SA GITNA NG HIGHWAY --- Madaling araw noong Setyembre 2012, payapang nagmamaneho si Juan Unger ng Canada pauwi galing sa trabaho. Nasa tamang lane siya. Nang biglang ang lane na kanyang tinatahak ay nag-collapsed at lumikha nang malaking butas. Biglang ngumanga ang kalsadang dadaanan niya.
Ganoon pa man mabilis ang pagdedesisyon ni Juan at hindi nataranta sa biglaang pangyayari. Sa kabila na maaaring mahulog ang kotse niya sa butas, pinili pa rin niyang ideretso ang minamanehong sasakyan. Naisip niya na kung kakabigin sa kanan o sa kaliwa ang kotse, maaa-ring mabangga siya ng ibang sasakyan at mas maraming mapipinsala o baka may mamatay. Itinodo niya ang tapak sa accelerator at nakalusot siya.
Himala hindi nahulog sa butas ang sasakyan at bahagya lamang ang sugat na natamo ni Juan. Itinuring niyang himala ng Diyos ang pagkakaligtas niya.
Ayon sa awtoridad, ang dahilan ng biglang pagkabutas ng highway ay ang pagsabog ng sewer line. Bumiyak ang aspalto kaya ngumanga ito nang malaki. Ayon sa report, lumaki pa ang butas at nag-extend pa sa kabilang lane. Kasinglaki ng Olympic pool ang butas.
- Latest