Laganap ang krimen

Laganap ang krimen sa lahat ng bansa

Pero sa Philippines ito ay malubha;

Marami ang taong dito ay masama

Batas ng gobyerno’y binabale-wala!

 

Ang bisyo sa droga ay laganap ngayon

Mga kabataan dito’y nauulol;

Kapagka bangag na’y walang panginoon

Nagiging kriminal saanman naroon!

 

Sa jueteng at sugal maraming sugapa

At dito’y kabilang ang matanda’t bata;

Sa mga tahana;y hindi nawawala

Ang ama at anak ay nagpapanaga!

 

Sana ay magbalik lumipas na araw

Na ang kabataan mabuting patnubay;

Malayo sa bisyo sa droga at sugal

At hangad ng puso ay mabuting buhay!

Show comments